NAGREREKLAMO tayo laban mga anomalyang nangyayari sa pamahalaan. Hindi kaya ito ang gobyernong angkop sa atin para tayo’y magising sa sarili nating mga pagkukulang?
Sa panahon ng Lumang Tipan sa Bibliya, ang Israel na sinasabing chosen people ng Panginoon ay ilang ulit sinakop ng malupit at mapaniil na rehimen. Ang mga Israelita ay naging alipin ng mga bansang sumasakop sa kanila tulad ng Babilonya.
Mahirap isipin na ang bansang hinirang ng Diyos ay dumanas nang ganyang kalupitan. Hindi lang sinakop at pinagmalupitan ang mga mamamayan kundi sinalanta pa at pinagnakawan ang kanilang lupain. Ang Israel pa-libhasa ay umiikot sa siglo ng kabanalan at kasalanan. Tuwing ang mga Israelita ay sumusunod sa Diyos la-ging pinagpapala ito. Tuwing nagiging suwail ay naroroon naman ang sumpa o parusa.
Binayaang mangyari ng Diyos ito bilang panggising sa mga tao na nakalimot sa kanya. God allowed this tragedy as a way of chastising His people. Sa paraang ito ay nagigising ang tao para magsisi at magbalik-loob sa Diyos.
Basahin natin ang 2 Kronika 7:14 na nagsasabing dapat magsisi, tumalikod sa kasalanan at magbalik-loob sa Diyos ang tao para patawarin tayo at pagpalain. Dapat nating tingnan ang sarili. Kung kabilang tayo sa mga nagbibigay ng “tong†o suhol para mapabilis ang ating transaksyon sa pamahalaan, wala tayong karapatan para umangal sa nakikita nating mas malaking antas ng korapsyon.
Ang nangyayari sa Pilipinas ay may pagkakahawig sa nagaganap sa ibang bansa tulad ng Amerika. Alam na natin ang government shutdown sa US dahil hindi magkasundo ang dalawang partido sa Kongreso sa pambansang budget nito. Ang Amerika ay dating maka-diyos pero ngayo’y talamak ang galaw ng mga kilusang hindi naniniwala sa Diyos.
Tulad noong araw, iisa pa rin ang panawagan ng mga propetang tagapagsalita ng Diyos “Be humble, turn away from your transgression, seek my FACE and repent that I may forgive you and bless your nation.â€