^

PSN Opinyon

Mas malaking responsibilidad

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG ipinasa na ang national budget para sa 2014 na wala nang PDAF para sa mga mambabatas maliban kay President Aquino na may P450 bilyong PDAF, maraming nakasanayang umasa sa nasabing pondo ang nababahala sa mangyayari sa kanila, partikular ang  mga pinaaaral at pinagagamot. Dahil sa nasiwalat na pork barrel scandal, galit na nagprotesta ang mamamayan para tanggalin ang pondo. Marami ang nagsasabi na ito ang dahilan kung bakit maraming gustong maging mambabatas. Makabulsa ka nga naman ng kahit 10 porsyento ng PDAF taon-taon, hindi ka na magkakaroon ng problema sa pera, huwag ka lang maging gahaman.

Naiintindihan ko ang pangamba ng mga tunay na natutulungan ng PDAF, mula sa mga mambabatas na tapat sa tungkulin at trabaho. Pero ganun nga, dahil sa umano’y pagkagahaman ng ilang tao, nagkabahid tuloy ang buong programa. Pero ayon naman sa administrasyon, sisiguraduhin nila na ang pondong hindi na mapupunta sa mga mambabatas ay babalik sa kaban ng bansa, para magamit sa mga programang pang-edukasyon, kalusugan, trabaho, imprastraktura at nangangailangang mamamayan.

May tiwala ako na baka mapunta nga sa ikauunlad ng bansa at ikabubuti ng mamamayan ang PDAF na hawak ng administrasyon. Baka mas maraming tao ang matutulungan at hindi lang sa mga balwarte ng mga mambabatas, baka mas maraming may katuturang proyekto ang matuloy at hindi mga pampapoging proyekto lamang tulad ng mga waiting shed na puro pangalan ng mambabatas ang nakapaskel. Ang nakikita kong problema ay para sa mga mambabatas, na hindi na personal na malalapitan ng mga tao para humingi ng tulong, kaya baka hindi na sila makabuluhan sa mga mamamayan. Madaling makalimot ang Pilipino, sabi nga nila.

Mas lumaki pa ang responsibilidad ngayon ng administrasyong Aquino. Kailangan nilang siguraduhin na magiging maayos ang paggastos ng PDAF, na sa mamamayan pupunta. Dapat makakita tayo ng pagbabago sa edukasyon, sa kalusugan, sa trabaho, imprastraktura at mapagpa-tuloy ang tulong sa mga tunay na nangangailangan. Babala na rin na kapag hindi nila napatupad ito nang maayos, baka bumalik muli sa kalsada ang mamamayan.

vuukle comment

AQUINO

BABALA

DAHIL

DAPAT

KAILANGAN

MAMBABATAS

PERO

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with