Hindi makapaglilingkod nang sabay sa 2 Panginoon
SA aklat ni Amos ay mapagtatanto na noong araw ay alipin sila sa araw ng pamamahinga. Sa sapilitang pagsunod ay nakagagawa sila ng kasamaan. “Tataasan namin ang halaga. Dadayain namin sa timbang ang mga mamimili. Ipagbibili namin sa mataas na halaga.â€
Ngayon, kahit si Hesus ay dumating na sa daigdig, masasabi kong ginagawa pa rin ng mga Kristiyano ang pagpapatubo nang malaki sa mga negosyo. “Sumumpa ang Diyos ng Israel: Hindi ko na mapatatawad ang masasama nilang gawaâ€. “Purihin ang Poong Diyos na sa dukha’y nagtatampokâ€.
Hinihimok tayo ni Pablo na ang ating panalangin sa Diyos at paglilingkod sa kapwa ay pag-uugnay sa ating buhay na tahimik, mapayapa, marangal at may kabanalan. Itinuturo sa atin ni Hesus na hindi tayo makapaglilingkod nang sabay sa dalawang Panginoon. Ang pagtitiwala ng Diyos sa bawat isa sa atin ay napakahalaga. Ito ang pinagbabasehan ng Kanyang pag-ibig sa ating lahat.
Tayo ay katiwala ng Diyos sa mga biyaya ng ating buhay: Isipan, talino, lakas at kabuuan. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang nandadaya sa maliit na bagay ay mandadaya rin sa malaking bagayâ€. Pagnilayan nating mabuti: Tayo ba ay pinagkakatiwalaan ng Diyos?
Alam na ng lahat ang mga pagnanakaw sa kaban ng bayan. Napakaraming pinagkatiwalaan ng Diyos sa pagpapaunlad ng ating bayan. Sa halip umunlad ay pahirap nang pahirap dahil sa pangungurakot sa kayamanan ng bayan. Tanungin din natin ang ating sarili. Maraming sumasagot sa kanyang isipan na wala naman siyang kasalanan kasi maliliit na pera lamang ang kanyang ninanakaw sa kaban ng kanilang tahanan at opisina.
Kapatid, maliit man yan o malaki ay pagnanakaw pa rin at malaking kasalanan. Hindi tayo puwedeng maglingkod nang sabay sa Diyos at sa kamunduhan. (Amos 8:4-7; Salmo 112; 1 Timoteo 2:1-8 at Lukas 16:1-13 o 10-13)
* * *
Happy wedding anniversary kina Edwin at Beth Lim Carlos.
- Latest