^

PSN Opinyon

MNLF-Misuari faction nag-aala-Rambo muli

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

INILARAWAN sa pelikulang “Rambo” ang peligro ng pagpapakawala sa lipunan ng tao na hinasa sa madugong pakay: pumatay. Nasaling lang nang konti si Rambo ay inisip nang inaapi siya ng mundo. At nang sunod-sunod na beses pang masaling, na normal lang sa buhay ng tao, ay bumigay na siya’t naghuramentado, nanakit, pumatay.

Nag-aala-Rambo ang 180 armadong kapaksiyon ni Nur Misuari sa Moro National Liberation Front. Sa pananaw nila, ina­api ng Malacañang ang kanilang founder at dating governor sa Autonomous Region for Muslim Mindanao. Pambusabos umano sa imahe ni Misuari ang hindi pagsali sa kanya bilang consultant man lang sa peace talks ng gobyerno at MNLF breakaway na Moro Islamic Liberation Front. Dahil kesyo kataksilan ang naturang talks sa naunang peace pact ng gobyerno at MNLF nu’ng 1996, naghuramentado na sila. Nang-hostage sila nu’ng Lunes ng 40 taga-tabing-dagat na baryo sa Zamboanga del Sur. Pumatay pa sila ng isang opisyal ng barangay.

Habang sinusulat ito, animnapu’t dalawa ang nauulat na napatay sa barilan sa pagitan ng mga huramentado at sun­dalong gobyerno: walong sundalo at limampu’t apat na rebelde.

Pero hindi pa tiyak kung rebelde nga — o hostage — ang fatalities. Kasi magulo pa masyado ang sitwasyon para pumasok ang mga imbestigador ng krimen. Hindi rin matiyak kung ano ang demand ng mga huramentado kapalit ang pagpapalaya sa hostages.

Hindi ito ang unang paghuhuramentado ng Misuari loyalists­. Nu’ng 2000, nang hindi siya in-extend ng Malacañang bilang ARMM governor, nang-hostage din sila ng 87 sibilyan sa Zamboanga. Pinatay ang isa rito at isang sumaklolong sundalo, at 30 sa kanila ay napatay.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

AUTONOMOUS REGION

MALACA

MISUARI

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

MUSLIM MINDANAO

NUR MISUARI

RAMBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with