^

PSN Opinyon

FOI Now!

Pilipino Star Ngayon

REPORT CARD Atty. Ernest Maceda

MATATAGALAN pa bago tumila ang hysteria laban sa pork barrel a.k.a. PDAF na lalong pinaigting ng pag-surrender ni Ms. Janet Napoles sa Presidente. Tulad nang inaasahan ay sumentro ang diskusyon sa mga isiniwalat ng mga informers at whistleblowers. Kailan naman umatras ang Pilipino sa pag-akit ng iskandalo? At dahil pawang mga malalaking tao ang kasangkot – hindi lamang mga Sekretaryo at opisyal ng Cabinet Departments kung hindi rin mismong mga halal nating kongresista at senador, siyem­pre piyesta sa personalidad ang laman ng ating isipan.

Subalit matapos natin mapuno sa anyo ni Napoles at sa mga opisyal na sasabit sa imbestigasyon, magbabalik pa rin ang usapan sa kung papaano ang gagawin upang ang ganitong mga anomalya ay hindi na mauulit. Pinag-uusapan ang pagbuwag sa PDAF, ang paghigpit sa mga proseso, ang legalidad ng pagrekomenda ng mga mambabatas ng proyekto gayong hindi naman nila ito trabaho, ang kawalan ng mekanismo upang mabantayan ang mga ahensya ng ehekutibo na nagbibigay ng hindi makatwirang panlamang sa kanilang pinapaborang NGO o proyekto.

Kung tutuusin, ni hindi natin kailangan hintayin pa ang ano pa mang matagal na reporma para lang maiahon tayo sa lugmok. Ang dapat lang ay isang solusyon na matagal na rin namang nag-aabang lang na siya’y maisabatas. Ito’y walang iba kung hindi ang Freedom of Information (FOI) Bill.

Wala namang kumplikadong probisyon ang panukalang ito. Ang itinutulak lamang ay ang transparency sa pamamalakad ng pamahalaan. Matagal na itong nakasaad sa Saligang Batas bilang karapatan ng tao sa impormasyon mula sa mga namamahala sa kanila. Maaalalang ipinaglaban at ipinagpilitan ito ng mismong si P-Noy noong siya’y kandidato sa pagka-presidente dahil ang kawalan ng ganitong batas ay isa sa dahilan kung paano natakasan ni Ginang Gloria M. Arroyo ang pagsusuri sa kanyang mga kagagawan.

Hindi malaman kung anong himala ang nangyari subalit kung kailan naging Presidente si P-Noy na may kapangyarihan nang gawan ito ng paraan ay saka naman ito nagbagong isip. Ang pagkakaroon ng FOI Law ang pinaka-mabilis at mabisang solusyon upang masinagan ng sikat ng araw ang dilim kung saan nangyayari ang mga anomalyang tulad ng PDAF scandal.

CABINET DEPARTMENTS

ERNEST MACEDA

FREEDOM OF INFORMATION

GINANG GLORIA M

KUNG

MS. JANET NAPOLES

P-NOY

SALIGANG BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with