SUMAKIT din ang daliri ko sa kada-dial ng telepono ng Consulate General natin sa Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia noong August 28, mga 4:00 p.m. Philippine time or mga 11:00 a.m. KSA time pero walang sumasagot. Kung ako na kongresista ng OFWs at Family Sector ay di ma-access ang mga kawani ng ating Consulate General sa Jeddah, lalo na kaya ‘yung libu-libo nating distressed OFWs roon. Kailangan mayroon silang 24 hours emergency telephone lines sa ating mga embahada at konsulada.
Ayon sa batas (R.A. 8042) the protection of OFWs should be the highest priority concern of our foreign service. How can the OFWs be the highest concern of the Consulate General in the KSA when it shuts itself out from the OFW community in Jeddah. Lagot kayo ngayon kay Ramon Tulfo. Yung office niya ang humingi sa akin ng assistance on behalf of the family of the late OFW Nenita B. Zarate who died in Jeddah of cardiac arrest last year pa (Nov.1, 2012). Hanggang ngayon di pa naiuwi ang bangkay ni Nenita. Kung di kayo takot sa multo, matakot kayo kay Tulfo.
Ang Philippine Consulate General ng Jeddah ay si Hon. (Mr.) Uriel Norman R. Garibay. At ang telepono numbers ng tanggapan niya na tinawagan ay ang mga sumusunod: (+9662) 669-6303 / 667-0925: Duty Officer : (+966) 515016318.
Sa September 5, 2013 may budget hearing ang Department of Foreign Affairs sa kongreso, I will take the opportunity to ask the DFA boss Albert Del Rosario why some of his embassies are behaving like ostrich chest. Kitang-kita ng buong Filipino community na naroon lang naman sila ngunit ang mga ulo ay nakabaon sa buhangin.