Tatlong huling habilin ni Alexander the Great
KAKAIBANG hari si Alexander ng Macedon (356-323 BC). Nag-aral siya sa ilalim ni pilosopong Aristotle. Kanya ang isa sa pinaka-malawak na empire ng sinaunang panahon — Ionian Sea hanggang HiÂmalayas. Pati Persian Empire at India ay sinakop. NaÂipanalo niya lahat ng sagupaan, kaya kinikilalang isa sa pinaka-matalas na commanders sa kasaysayan. Pinayabong niya ang kultura ng mga inokupang lugar, at nagtayo ng mahigit 20 siyudad sa pangalan niya, pinaka-tanyag ang Alexandria sa Egypt. Namatay siya habang naghahandang lusubin ang Arabia.
Habang naghihingalo, nagbigay si Alexander the Great sa kanyang mga heneral ng tatlong huling habilin. Una, bubuhatin ng mga pinaka-tanyag na doktor ang kanyang kabaong. Tapos, ipamimigay ang kayamanan niya habang ipino-prosesyon patungong sementeryo. Huli, ilalaylay ang kanyang mga braso sa gilid ng kabaong na stretcher.
Nang usisain nang pinaka-malapit na heneral, ipinaliwanag ni Alexander ang simbolismo: “Nais ko ipabatid na sa bingit ng kamatayan ay wala nang bisa sa paggamot ng pinaka-mahuhusay na doktor sa mundo. Gayundin, na lahat ng nakamit ninoman na kayamanan sa mundo ay iiwanan din sa mundo. Nais ko ipakita sa madla na isinisilang tayo na walang laman ang kamay, at aalis sa mundo nang gayun din.â€
Pahabol ni Alexander: “Higit sa lahat, sa pag-ugoy-ugoy ng aking mga braso habang inililibing, maipapabatid ko na naupos na ang aking pinaka-hahalagahan na yaman -- ang Panahon.â€
Apurado si Alexander sa pagpapalawak ng empire mula sa kahariang minana sa amang King Philip II. Namatay siya sa edad 33. Para sa kanya walang saysay ang materyal na kayamanan. Mahalaga sa kanya ang bagay na limitado at hindi mabibili: Panahon.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
Namatay siya sa edad 33. Para sa kanya walang saysay ang materyal na kayamanan. Mahalaga sa kanya ang bagay na limitado at hindi mabibili: Panahon.
- Latest