^

PSN Opinyon

“‘BOYSIE’ ng BOC”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

KAMAKAILAN sa ‘State of the Nation’ address (SONA) ni Presidente Benigno Simeon C. Aquino III binanatan niya ang ‘Bureau of Customs’ (BOC) bilang isa sa pinakakorupt na ahensya ng gobiyerno at tahasang tinawag niya na “Ang kapal ng mga mukha nila…”  Sino ang tinutukoy mo Mr. President?

Sa prinsipyo ng ‘command responsibilty’ dapat ang nagbigay ng Irrevocable letter of resignation ay si BOC Commissioner Rozzano Ruffy Biazon sa kahihiyan na natanggap niya.

Nag-resign siya subalit hindi naman daw tinanggap ni Pinoy dahil may tiwala pa rin daw sa kanya ang Presidente. Kung merong delikadesa itong si Commissioner Biazon dapat irrevocable.  Kagaya ng ginawa ni Deputy Commissioner for Intelligence General Danilo Lim.

Ilang taon ka na rin naka-upo dyan at ng mapalitan mo si dating Commissioner Lito Alvarez mas grumabe ang korupsyon.

Halos lahat ng tanggapan napapalusutan ka. Isa lamang ang ibig sabihin nito na hindi ka karapat-dapat sa pwestong yan o isa kang bulag!

Ang ginawa nitong si Comm Biazon hiningi niya ang ‘courtesy resignation’ ng lahat ng opisyales at pati na rin ang mga ‘Collector’ ng Boc.

Isa na rito ay si Ricardo ‘Boysie’ Belmonte. Si Boysie ay naka-upo bilang Customs Collector VI, hindi dahil may padrino siya na kapatid niyang si Speaker Sonny Belmonte subalit dahil siya ang dahan-dahang pumanik sa hagdan ng katungkulan. Hindi siya isang ‘Presidential Appointee’ kundi sa sarili niyang sikap siya ay gumawa ng magandang pangalan mula ng pumasok siya sa BOC  nung 1979 bilang Customs Assessor.

Kinilala ang kanyang sipag at malinis ng katapatan sa BOC ng siya ay naipromote bilang Customs Appraiser nung 1987.

Nung 1991 pumangalawa siya sa Basic Assessment Course na ibinigay ng BOC at para patunayan na hindi ito tsamba lamang inulit niya ang karangalan na ito nung susunod na taon ngayon naman sa SGS Training Course.

Nung 1995 si Boysie ay inatasan bilang, Chief of the Entry Processing unit at PAIR cargo warehouse at the NAIA at kasabay na tungkulin siya rin ang Duty Collector at the Arrival Operations Division.  Nung 1997 na promote siya sa posisyon na Collector of Customs IV.

Hindi na mapigil ang pag-angat ni Boysie at di nagtagal ginawa siyang OIC/Acting District Collector of MICP at gaya ng isang masunurin at magaling na kawani ng BOC inilagay naman siya sa  Port of Manila as Deputy Collector for Assessment at inilipat naman siya sa NAIA.

Nung 2004 si Boysie ay nakamit ang ranggo CESO VI ng Pangulo ng Pilipinas. Inilagay siya sa isang napakalaking daungan bilang nung 2006 sa Port of Cebu upang malingkod na District Collector kung saan humakot siya ng mga parangal tulad ng, ‘Cited for attaining the highest collection for a single shift with the amount of Php1.3Billion in 2008, Cited for the Port of Cebu’s commen­dable performance, total collection of Php5.2 Billion posting a surplus of Php296 Million in 2008, Cited for the Port of Cebu’s performance in 2009 where it collected Php6.5 Billion posting a surplus of Php804 Million’.

Nung taong din yung dahil sa kanyang gilas at galing si Boysie ay minsan pang ginawaan sa posisyon ng Collector of Customs VI, ang pinakamataas ng ranggo sa hilera ng mga BOC Collector’s. 2010 pinagkatiwalaan siya na mamahala ng  MICP and in 2011.

Mula sa pagiging isang Municipal Engineer sa Lungsod ng Baguio ang mga naggawa ni Boysie ay hindi natatawaran sa ngalan ng katapatan, integridad at linis ng trabaho. Naglingkod siya sa ilalim ng labing tatlong Customs Commissioners sa halos mahigit na tatlong dekada (34 taon) dekada.

Mga ‘Presidential Appointees come and go’ subalit ang mga ‘Career Men’ tulad ni Boysie ay mananatili dahil sa kanilang mabu­ting gawain.

Hindi maiwasan sumagi sa aking isipan ang sinabi ng isang kilala at sikat na Pangulo ng America na si George Washington, mahahalintulad itong si Boysie dito.

‘Like a plant who slowly grew and has undergone and withstood the shocks of adversity.

BAKIT ko isinusulat si Boysie gayung hindi naman ako malapit sa kanya dahil minsan ang isang kaibigan ko ay lumapit upang i-report na siya ay tinatarahan (tinataga) ng mga Customs officials dahil sa kanyang mga kalakal na legal na kanyang ipinapasok (General Merchandise) agad pina-imbestigahan ito ni Boysie at inilagay niya sa tamang bayarin para sa kalakal na hindi ikinalugi ng gobierno at ikinatalo ng aking kaibigan.

Bakit siya pagbibitawin gayung, hindi lamang siya isang Ceso VI at Career Man, subalit gumagawa siya ng tama.

Maganda sigurong tignan ang record ni Collector Rogelio Gatchalian na sinasabing bat ni Juan Ponce-Enrile kung ano na ang nagawa niya maliban sa madalas siyang nasa tanggapan ni Comm Biazon. Dapat kaya siya ang unang sipain? Alam mo ang sagot dyan Comm. Biazon.

Minsan sinabi ng isang kaibigan na dating si Department of Justice Secretary Raul M. Gonzalez na si Speaker Sonny Belmonte ‘is the best president the Philippines never had’, sinasabi ko naman na si Ricardo ‘Boysie’ Belmonte ang pinakamagaling na Customs Collector na nagkaroon tayo sa mga nagdaang maraming taon.   

Sa gustong dumulog para sa inyong problemang legal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166(Chen), 09213784392 (Carla), 0919­8972854 (Monique) o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maari kayong lumiham sa pamamagitan ng email sa [email protected].

Si Pauline Ventura ay hindi na konektado sa aming opisina Calvento Files/Hustisya Para Sa Lahat. Ang anumang transaksiyon na may kinalaman sa aming opisina ay hindi namin kinikilala. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ibinabalik ang media card na naka-issue sa kanya.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

BOYSIE

COLLECTOR

CUSTOMS

NUNG

PORT OF CEBU

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with