^

PSN Opinyon

Gold bar syndicate

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PINAG-IINGAT ang publiko sa gold bar syndicate — mga sindikato na nagbebenta ng mga pekeng gold bars. Kuwidaw dahil lagi silang nag-aabang ng mga mabibiktima!

Itinuturing ng mga awtoridad na international modus ang operasyong ito na matagal nang namamayagpag sa Amerika, Iraq, China, Africa at sa Pilipinas!

Modus ng sindikato na magpanggap na umano’y  financier, middle man, spotter at isang katutubo na trabahador umano ng isang minahan para madaling makumbinsi ang publiko sa kanilang hokus-pokus!

Pangunahin nilang puntirya, mga negosyante, may-kaya at mga mahihirap na may kakayanang magbayad at madaling paniwalain na dadami ang kanilang pera sa maikling panahon lamang!

Disente silang makipag-usap. Kukunin ang loob ng biktima sa una at pangalawang transaksyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng tunay na piraso ng ginto na ipagtutulakan pa nilang ipasuri sa mga pawnshop at sanglaan.

Ang biktima, dahil sa paghahangad na kumita nang malaking pera, pipiliting bilhin ang buong bara ng ginto! Lingid sa kanyang kaalaman, ang malaking halaga ng pera, magiging tanso lang pala!

Matagal at gasgas na ang modus na ito pero marami pa rin ang mga naloloko sa boladas na ikinokonekta sa kuwento ng treasure hunting at Yamashita treasure!

Upang makaiwas sa modus ng gold bar syndicate, mag-log in sa BITAG Channel o www.bitagtheoriginal.com upang hindi mapasama sa mga nabiktima ng sindikato!

AMERIKA

DISENTE

ITINUTURING

KUKUNIN

KUWIDAW

LINGID

MATAGAL

PANGUNAHIN

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with