MAGANDA ang pasimula ng administrasyong Malapitan sa Caloocan matapos aprobahan ng Sangguniang Panglunsod ang halagang P318-milyon para sa modernisasyon ng University of Caloocan. Alam natin na ang pangkalahatang pinupuntirya ng pambansang pamahalaan ay de kalidad na edukasyon na abot kaya ng lahat. Kaya naman tuwang-tuwa si Mayor Oca Malapitan sa approval ng naturang halaga bilang munting kontribusyon ng lungsod sa layuning ito.
Ang halaga ay gagamitin sa pagtatayo ng dalawang bagong multi-level school buildings, special laboratory rooms at multi-purpose hall sa pinopondohang pamantasan ng lungsod. Edukasyon din palibhasa ang pangunahing plataporma ni Malapitan.
Ang approval ng pondo ay nakapaloob sa isang ordinansa na nagpasa sa Supplemental Budget No. 2 ng lungsod na may kabuuang halagang P343,744,958.56, sa kapakinabangan ng mga residente ng lungsod.
Ang ordinansa ay inisponsor ng batambatang First District Councilor Anna Karina Teh, na naglaan ng pondo mula sa 10-percent business tax na nasingil mula sa mga delivery trucks, amusement fees, printing fees at franchise taxes.
Bukod kay Councilor Teh, sumuporta sa ordinansa sina Vice Mayor Macario Asistio III at ang iba pang 11 mga konsehal -- Luis Abel, Allen Alexander Aruelo, Tolentino Bagus, Aurora Henson Jr., Maryloy Nubla, Roberto Samson, Carmelo Africa III, Dean Asistio, Carolyn Cunanan, Ma. Milagros Mercado at Susana Punzalan.
Bilang isang taga-Caloocan ay binabati ko ang bagong pamunuan ng aking mahal na lungsod dahil sa simula pa lang ay ipinakita nila ang pagkakaisa lalu na sa pagbuo ng mga progra-mang pakikinabangan ng lungsod.
Madalas mangyari kasi noong araw ay ang pagkabalam ng mga mahahala-gang programa dahil sa pagÂÂ hadlang ng ibang opisyal na ang dahilan ay pulitika.
Nagharap na si Mayor Oca ng listahan ng mga priority programs sa konseho matapos sertipikahan ni City Treasurer Evelyn Garma cerÂtified na may sapat na pondong puwedeng ilaan sa mga ito. Maraming kapwa ko taga-Caloocan ang pihong magagalak sa balitang ito at ang tanging masasabi ko kay Mayor at mga opisyal niya – keep up the good work at sama-samang itaguyod ang ating pag-unlad.