^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Turuan nang turuan

Pilipino Star Ngayon

HINDI malulutas ang problema sa illegal na droga sa bansa dahil sa estilo ng mga awtoridad. Kapag may nahuling drug trafficker ang mga alagad ng batas, lumulutang ang kung anu-anong mga akusasyon sa mga nakahuli. Nawawala umano ang mga ebidensiya na magdidiin sa mga suspect, ganundin ang pera, alahas, at kung anu-ano pang mahahalagang gamit. Bakit daw hindi naging maayos ang pagpresenta ng mga nakumpiska? Kaduda-duda raw ang ginawang pag-aresto ng mga alagad ng batas sa drug trafficker.

At dito na magsisimula ang batuhan ng mga maaanghang na akusasyon. Bubuwelta ang mga inaakusahang alagad ng batas at sasabihing ang mga nag-aakusa ang may mga kahina-hinalang pakikipag-ugnayan sa mga drug trafficker. Ang mga nag-aakusa raw ang protector ng sindikato ng droga. At kung anu-ano pang mga pagsisiwalat na halos mahubaran na ang mga nag-aakusa.

Ganyan ang nangyayaring senaryo ngayon maka­raang mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mag-asawang drug traffickers na sina Li Lan Yan alyas Jackson Dy at Wang Li Na sa isang condominium sa Mandaluyong dalawang ling­go na ang nakararaan. Ang mag-asawang drug trafficker ay nakatakas sa mga police escort habang patungo sa hearing noong nakaraang Pebrero. Ang nag-rescue sa dalawa ay ang mga miyembro ng Ozamis robbery group na pinamumunuan ni Ricky Cadavero na ni-rubout ng mga pulis kamakailan.

Subalit pinagdudahan ang pagkakahuli ng CIDG sa mag-asawang drug trafficker sapagka dalawang NBI witness ang nagsabi na ninakaw ng mga ito ang P15 million hanggang 20 million mula sa bahay ng dalawang naarestong drug traffickers. Bukod sa mil­yong piso, kinuha rin umano ang 80 kilos ng shabu. Pinabulaanan ng CIDG ang bintang. Hindi raw shabu kundi kendi ang nakuha nila sa bahay ng mag-asawa.

Sinibak sa puwesto ang 19 na CIDG operatives dahil sa bintang. Rumesbak naman ang CIDG at sinabing may mga NBI agent na nagpoprotekta sa drug lords. Ang mag-asawa raw na naaresto nila ay pinuprotektahan ng NBI.

Hanggang ngayon ay nagtuturuan pa at walang nakaaalam kung kailan iyon matatapos. Habang nagtuturuan ang mga awtoridad, humahalakhak naman ang mga drug syndicate. Luto lang sila nang luto ng shabu.

BAKIT

BUBUWELTA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DRUG

JACKSON DY

LI LAN YAN

RICKY CADAVERO

WANG LI NA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with