Matibay na ebidensiya ng pag-aaring lupa

NANG namatay si Alfonso, nakaiwan siya ng tatlong lupa: Isang may sukat na 495 square meters na ang tax declaration ay nasa pangalan niya at inookupahan niya mula 1946; isang may sukat na 285 square meters at nasa ilalim din ng tax declaration sa pangalan niya; at ang pangatlo ay may sukat na 4,090 square meters na may tax declaration din sa kanyang pangalan. 

Ipinasya ng kanyang siyam na anak na huwag hatiin ang mga ito at hawakan na lang ito na may pare-parehong parte. Isinangla ng magkakapatid ang lupang may sukat na 285 square meters at 4,090 square meters sa isang rural bank. Nang hindi nakabayad ang magkaka-patid, inilit ng banko ang dalawang lupa. Sa subastang ginawa, ang mga lupa ay nabili ni Rodolfo. 

Lumabas na may bahay na nakatayo sa lupang may sukat na 285 square meters na nabili ni Rodolfo. Kaya nagsampa siya ng kaso sa husgado laban sa mga heredero upang alisin ang bahay na ito. Pumayag naman ang mga heredero at nilipat ang bahay nila sa kabilang lupang may sukat na 495 square meters na minana rin nila. 

Nang magkaroon ng kadastre sa bayan, nagpalabas ng survey notification card ang Bureau of Lands na nagpapakita na ang 495 square meters na lupa ay kay Alfonso nga na minana ng kanyang mga anak. Ngunit pagkaraan na nagkaroon ng pangalawang survey notification card na nagpapakitang ang bahay ay sakop pa rin ng lupang nabili ni Rodolfo sa rural bank. Lumalabas dito sa pangalawang survey na ang lupang nabili ni Rodolfo ay 631 square meters at hindi 285 square meters lang. Kaya pinaalis muli ni Rodolfo ang bahay dahil ito raw ay nakatayo pa rin sa lupa niya. Tama ba si Rodolfo?

MALI. Malinaw sa tax declaration na ang lupang nilipatan at kasalukuyang kinatatayuan ng bahay ng mga heredero ni Alfonso ay nasa pangalan at pamumusisyon niya nilipatan at kasalukuyang ki­natatayuan ng bahay ng mga heredero ni Alfonso ay nasa pangalan at pamumusisyon niya mula 1946. At ito’y naisalin at pinamusisyunan ng kanyang mga anak noong siya’y mamatay. Bagama’t ang tax declaration ay hindi sapat na katunayan ng pangangari, ito’y matibay na ebidensiya ng pa­ ngangari kung ito’y inooku­pahan ng may hawak nito. 

Sa kabilang dako, malinaw naman na ang isa sa lupang nabili ni Rodolfo sa rural bank ay may sukat lang na 285 square meters kung saan dating nakatayo ang bahay. Ang sukat nito’y hindi 631 square meters gaya ng nakalagay sa pangalawang kadastre. Maliban dito, si Ro­ dolfo mismo ang umamin na 285 square meters lang ang lupang ito nang magsampa siya ng kaso upang alisin ang bahay ng mga heredero ni Alfonso na nakatayo rito. Hindi na niya ito maikakaila pa. (Obando et. al., vs. Fi­gueras et. al., G.R. No. 134854)

 

Show comments