^

PSN Opinyon

Iligal, maliit at immoral

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

WALANG natuwa sa balitang pumapayag na umano ang mga kamag-anak ng labing-apat na nasawi sa Maguindanao massacre sa areglong salapi mula sa kampo ng mga Ampatuan, mga principal suspect sa nasabing krimen. Halos lahat ng sektor ay kontra at hindi makapaniwala sa naganap na pag-alok na areglo. At may kundisyon pa raw na ang ituturong utak sa massacre ay walang iba kundi si Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu. Para sa mga nag-alok ng areglo, walang saysay na ang kanyang asawa ay isa sa mga napatay. Napakahirap nga naman paniwalaan na may ganitong alok, at may ganitong kundisyon pang nakatali!

Ayon sa Palasyo, may alok man o wala, tanggapin man o hindi, hindi ito makaaapekto sa kanilang pagtugis sa kasong kriminal laban sa mga akusado. Umapila naman si DOJ Sec. Leila de Lima sa mga kamag-anak na huwag tanggapin ang areglo, dahil bukod sa iligal, ito’y mali at immoral. At ganun din ang kanyang pananaw na ang pag-alok ng areglo ay halos pag-amin na sa krimen. Ano ang benepisyo ng areglo kung wala talaga silang kasalanan? Sa ngayon ay bising-bisi ang mga abogado sa paglabas ng mga pahayag na kahit matuloy ang areglo at tanggapin ng mga kamag-anak ang perang inaalok, wala itong epekto sa kaso. Kahit ano pa raw ang pirmahan nilang dokumento at salaysay ay hindi tanggap sa mata ng batas.

Pero malinaw ang kapangyarihan pa rin ng angkang Ampatuan, na kahit nakakulong pa ang mga pangunahing miyembro ng kanilang pamilya ay patuloy pa rin silang nakakakilos kontra sa batas, at tila marami pang perang panggastos sa anumang kailanganin nila. Ang halagang inalok umano sa mga kaanak ay nasa P50-milyon. May ganyan pa rin silang pera na puwedeng ipamigay lang? Bakit hindi hinahabol ng BIR ang mga ito? Akala ko ba ay lahat ng kanilang pera ay frozen na ng gobyerno?

Ito ang nangyayari kapag masyadong mabagal ang hustiya. Nawawala ang apoy sa kanilang damdamin na makamit ang hustisya, at papayag na lamang sa areglo sa anumang pamamaraan. Natural, kapag pera na ang pinag-uusapan, marami ang makikinig. Kailangan may mangyari nang makabuluhan sa kaso ng Maguindanao massacre. Malapit na ang ika-apat na anibersaryo ng krimen, wala pang makabuluhang nangyayari. Kaya nasisilaw na sa pera ang ilang mga kamag-anak ng mga biktima. Magtataka ba tayo kung halos lahat ay tutol sa areglo?

AMPATUAN

ANO

AREGLO

AYON

BAKIT

ESMAEL MANGUDADATU

MAGUINDANAO

MAGUINDANAO GOV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with