^

PSN Opinyon

US hindi maaasahan sa giyera sa China

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA MUTUAL Defense Treaty ng US at Pilipinas, obligado sila tumulong kung magka-giyera ang isa. Pero sa girian ng Pilipinas at China, umiiwas ang US sa kanyang pangako. Kesyo sasaklolo lang sila sa Pilipinas kung lusubin ang teritoryo nito, pero wala silang papanigan kung ang pagmulan ng gulo ay ang pinagtatalunan pang Spratly Islands.

O hayan, inagaw na ng China ang Scarborough Shoal. Ano ang magiging aksiyon ng America?

Malinaw na bahagi ng Pilipinas ang shoal -- mababaw na tubig-dagat na pinalilibutan ng bato at bahura. Katunayan na pag-aari ito ng Pilipinas ang mga sinaunang mapa. Sa “Carte Hydrographica y Chorographica de las Islas Filipinas,” nilimbag nu’ng 1734, tinawag ang Scarborough na Panacot Shoal. Sa sumunod na mapa na nilimbag sa Madrid nu’ng 1808, batay sa Malaspina expedition ng 1792, bahagi ito ng teritoryong Pilipinas bilang Bajo de Masinloc. Sa topographic map na ginuhit nu’ng 1820, bahagi ang Bajo Scarburo ng probinsiya ng Sambalez (Zambales). Sa dalawa pang mapa -- ang “Mapa General, Islas Filipinas, Observatorio de Manila” ng dekada-1910, at ang “US Coast and Geodetic Survey” ng dekada-1920 -- sinali ito sa Pilipinas bilang Baju de Masinloc.

Hindi bahagi ng Spratlys ang Scarborough. Malinaw na teritoryo ito ng Pilipinas. At ang pag-agaw dito ng China nu’ng 2012 ay isang panlulupig.

Pero may bagong palusot ang America para hindi pumanig sa Pilipinas. Kesyo raw hindi naman mainland Philippines, kundi mga bato’t bahura lang sa karagatan, ang sinakop.

Hindi maaasahang kaalyado ang America. Iniisip lang nito ang sa­riling interes. Gan’un din dapat ang trato natin sa kanya.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

BAJO SCARBURO

CARTE HYDROGRAPHICA

COAST AND GEODETIC SURVEY

ISLAS FILIPINAS

KESYO

MALINAW

MAPA GENERAL

MASINLOC

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with