^

PSN Opinyon

Pagdududa sa eleksyon dapat nang burahin

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ILALABAS na raw ng Commission on Elections (Comelec) ang resulta ng random manual audit sa resulta ng nakaraang eleksyon sa Hunyo 13.

Ayon kay Random Manual Audit Committee (RAMC) head Henrietta de Villa, sinusuri nang mabuti ang hindi magkatugmang resulta ng manual count sa resulta ng mga PCOS machine.

Umaasa ang taumbayan sa kapani-paniwalang resulta ng manual audit upang mabura na ang mga agam-agam at duda sa resulta ng halalan. Hindi maganda na ang mga idineklarang nanalo ay pinagdududahan ng mga mamamayan. Isa sa mga umapela para sa random manual audit ang Intercessors for the Philippines (IFP) at Philippine for Jesus Movement (PJM).

Pinabuksan na ng Comelec ang may 145 ballot boxes para sa random manual audit. Ang mga ballot boxes na ito ay nagmula sa mga presinto  na ang resulta ng PCOS machines ay hindi tugma sa manual tally. Base sa manual audit, titingnan kung ang resulta na ipinalabas ng PCOS  ay tugma sa isinagawang manual audit tulad ng hinihingi ng ilang sektor na may pagdududa sa resulta ng halalan.

Ayon kay Bishop Leo Alconga na National Chairman ng Philippine for Jesus Movement (PJM) ang ganyang pahayag mula mismo sa pinuno ng Comelec ay nagbibigay ng bigat sa mga suspetsa ng katiwalian sa halalan.

“We in the IFP support our fellow leaders in the Catholic Bishops Conference of the Philippines.  The destiny of our nation lies in the hands of the electorate. Comelec should ensure that the right of Filipinos to elect their leaders are not trampled upon by few unscrupulous people within or outside the government,” Ayon naman kay IFP head Bishop Dan Balais.

Ang dalawang organisasyon ay kumatig sa panawagan ni Bangon Pilipinas senatorial bet Eddie Villanueva para sa pagbuo ng Truth Commission na siyang magsisiyasat sa mga alegasyon ng pandaraya noong eleksyon.  Nauna na ring sinabi ni Villanueva na hindi na niya kukuwestyunin ang kanyang pagkatalo sa eleksyon pero mahalagang mabigyang linaw ang mga suspetsa ng dayaan at tiyaking hindi na mauulit ang ganito sa darating na halalan sa 2016.

AUDIT

AYON

BANGON PILIPINAS

BISHOP DAN BALAIS

BISHOP LEO ALCONGA

COMELEC

JESUS MOVEMENT

MANUAL

RESULTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with