Si Mayor Erap at ang Maynila
MATATAG ang deklarasyon ni Mayor Erap Estrada na ipupursige niya ang pagpapaunlad ng Maynila at ang buhay ng mga Manilenyo.
Matatandaang inilahad niya noong panahon ng kampanya ang misyon niya na gawing “first class city†ang Maynila.
Aniya, “Sisikapin ko na matupad sa lalong mada-ling panahon ang urban renewal para sa Maynila. Ang unang hakbang ko upang makamit ito ay ang pagkakaroon ng peace and order sa Maynila dahil anumang bayan o lungsod, lalawigan o bansa, ay hindi uunlad kung walang kapayapaan. Sisiguruhin ko na maibabalik natin ang sigla ng Maynila at maitataas ang antas ng kabuhayan ng masang Pilipino sa lalong madaling panahon.â€
Napaka-praktikal ang istratehiya niya na tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod upang pumasok ang mga negosyante, lumakas ang economic activity, dumami ang mga trabaho, at maging produktibo, ligtas at maunlad ang buhay ng mga residente. Ito ay isa lang sa kanyang 10-point program na magsisilbing gabay ng kanyang paglilingkod.
Narito muli ang 10-point program ni Mayor Erap upang mabatid ng lahat ng Manilenyo:
1. Pabahay sa loob mismo ng Maynila para sa mga informal settler;
2. Karagdagang mga trabaho at proyektong pangkabuhayan;
3. Programang medikal at pangkalusugan lalo na ang pagsugpo sa AIDS/HIV at TB;
4. Programang pang-edukasyon sa lahat ng antas na abot-kamay lalo na ng mahihirap;
5. Kamay na bakal ng batas laban sa kriminalidad;
6. Proteksiyon, kaligtaÂsan at kapakanan ng mga kabaÂtaan, kababaihan at Senior Citizens;
7. Programang pangÂkalinisan para sa mga luntiang kapaligiran at wasÂÂÂ tong pagtatapon ng basura;
8. Pagpapasigla at pagpapaunlad ng mga pami-lihan, pantalan (seaports) at tourist spots.
9. Pagsugpo sa lahat ng uri ng korapsyon at pagpapatupad ng lantad na koleksyon ng buwis at gastusing pampubliko (transparency in governance); at
10. Emergency ResÂponse Action Program (ERAP) para sa mga sakuna at kalamidad.
Aniya, ang mga ito ay mabilis matutupad sa paÂmamagitan ng pagtutulu-ngan ng iba’t ibang sektor at ng mga mamamayan mismo ng lungsod.
Mabuhay ang Maynila!
- Latest