Bagong mukha, bagong kampanya
ANO ba talaga ang pinaka-epektibong paraan ng pagkampanya sa isang National elections – ang ibuhos ang pondo sa pag-ikot sa lahat ng lalawigan nang maparami ang personal appearance o ang gastusin na lamang lahat sa isang magandang tri-media campaign? Kasama na sa una ang pagtatag ng mga campaign organization, ang umasa sa command vote ng mga magdadala sa iyong mga lider at ang pagsuko ng anumang pagkakataong makapagpahinga para lamang masiguro na naabot lahat ng maaring maabot na lugar.
Sa eleksyong katatapos lang, napatunayan na walang kaduda-duda na nabago na ng Fair Elections Act ang mathematics ng senatorial campaigns. Mula nang pinayagan ng batas ang political ads sa TV at sa radio at dahil ito nama’y hindi nililimitahan pa ang pagpapatupad ng Korte Suprema, malinaw na ang TV ads na ang pinaka-epektibong paraan ng pangangampanya. Translation: kung nahaharap ang kandidato sa desisyon ng kung saan gagastusin ang huling pera – sa dagdag na TV ad placement o di kaya sa pagdalo sa maraming pamiting, alam na natin ang sagot. Ibuhos lahat sa TV ad.
Hindi na maitatatwa na ang bawat isang household sa bansa ay mayroong TV o kung wala ay may radyo man lang. At gaano man pagbuhul-buhulin ang estimasyon, hindi matatapatan ng nag-iisang pagtagpo o pagkita sa kandidato sa pamiting sa Kapitolyo o sa munisipyo ang paulit ulit na pagbulaga naman sa iyo ng pagmumukha ng mga kalaban niya sa kanilang ads sa paborito mong telenobela o news program. Ang top 20 candidates ay pihadong nasa top 20 din na gumastos sa TV at radio ads.
Gaano man kagaling ang iyong kwalipikasyon o kaganda ang iyong mensahe, paano ito mapakikinabangan kung hindi naman maipaalam sa mga botanteng magpapasya rito? Ang house to house o araw-araw na pamiting ay ang pormuladong sistema ng nakalipas. Subalit iba na ngayon. Dala ng asenso ay ang pagÂkakaroon ng mga bago at mas mada-ling paraan ng pagpaabot ng iyong kandidatura sa lipunan. Ang maagang nakatanggap ng ganitong bagong realidad ang sila ring unang nakinabang.
- Latest