Sikat na actor, nagwala sa kanilang subdivision, kotse ng kapitbahay pinagsisipa
ALAM n’yo bang inireklamo sa barangay ang isang sikat na actor matapos magwala sa kanilang subdivision?
Ayon sa aking bubwit, nabulabog ang mga kapitbahay ni actor nang ito ay umuwi ng lasing.
Alam nang marami na lasenggo si actor kaya lang inireklamo ito sa kanilang barangay dahil sa ginawang pagwawala.
Ang napagdiskitaÂhan kasi ng actor ay ang kotse ng kanyang kapitbahay. Isang gabi ay umuwi si actor sa kanyang bahay sa Vermont Village, Marcos Highway, Marikina City.
Pagdating sa bahay ay nakita niyang nakaparada ang kotse ng kapitbahay sa tapat ng kanyang bahay.
Nagalit si actor at pinagsisipa ang kotse hanggang mayupi. Dahil sa ginawa ni actor, nagaÂlit ang kapitbahay at inireklamo ito sa barangay.
Ipinatawag sa barangay ang actor subalit hindi ito sumipot. Hindi rin kinausap o humingi ng paumanhin sa kaniyang kapitbahay. Ang nakiusap na lamang at umareglo sa kaso ay ang kanyang tatay.
Ayon pa sa aking bubwit, binayaran na lamang ng tatay ni actor ang damage ng kotse ng kanilang kapitbahay at siya na rin ang humingi ng paumanhin sa ginawa ng anak na actor.
Marami ang nagtataka sa sikat at guwapong actor na ito dahil kung makikita mo at mapanood sa TV at sa mga pelikula ay parang napakabait. Parang hindi makabasag pinggan. Ito rin ang dahilan kaya marami ang kumukuha sa kanya bilang model at endorser ng shampoo, toothpaste at iba pa.
Pero kapag nalaÂlasing ay biglang nagbabago ang personaÂlidad. Ang actor na nagwala sa kanilang subÂdivision ay si actor J.C. as in Jesus Christ.
- Latest