HINDI pala biro ang naiambag at naitulong ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ†Echiverri regarding sa isyu ng ‘Alay Kapatiran,’ para tulungan ang mga official ng barangay na kinuha ni Lord dahil sa sakit at accident.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may 60 official ng barangay sa Caloocan City natulungan ni RJ tungkol sa usapin ‘Alay Kapatiran.’
Inumpisahan pala ito ng RJ last 2007 up to now at ang mga pamilya ng mga namatayan na opisyal ng barangay ay nabibigyan ng P50,000.
Sabi nga, malaking tulong ito sa mga naulila !
Hindi katulad ng iba dyan ang P3,000 na para sa mahihirap na tulong ng gobierno ay niyayari pa imbes na ang kabuuan halaga ay makuha nila ay P400.00 lang pala ang ibinibigay at ang P2,600 ay kinukuha ulit.
Naku ha !
Totoo kaya ito ?
Balik isyu, sabi ni RJ, malaking tulong ang naibigay ng Alay Kapatiran sa pamilya ng mga nasawing opisyales ng barangay dahil sa pamamagitan nito ay maaaring makapagsimula ng panibagong buhay ang mga naulila ng yumao nilang kaanak.
Tama nga naman. Hindi ba ?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ginagaya na rin sa Philippines my Philippines ang ‘Alay Kapatiran’ program na inumpisahan ni RJ dahil sa ganitong klaseng tulong sa mga naulila.
Hindi pa pala dito ito nagtatapos dahil patuloy din ang pagbibigay ni RJ ng mga medical assistance sa mga official ng barangay na mga may sakit kasi may P6,000 ang ipinagkakaloob sa kapitan ng barangay at P4,000 sa mga kagawad, secretary at treasurer na may karamdaman.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, from 2009 up to 2013, may 41 official ng barangay ang natulungan ng medical assistance kaya naman kahit papaano ay may nabubunot silang pambili ng gamot.
Tuloy - tuloy na isusulong ni RJ ang implementasyon ng Section 393 ng Local Government Code na layuning mabigyan ng benepisyo ang lahat ng barangay officials kabilang na rito ang libreng matrikula sa kanilang mga anak na nag-aaral sa mga state colleges at universities sa Philippines my Philippines.
‘Mga taga - Caloocan City alam ninyo na ang tulong na ginagawa ni RJ ano pa ang hinihintay ninyo ?’
Sagot - makiisa sa magandang layunin ni RJ !
Abangan.
Motorcycle plate number sa vest, kalokohan
HINDI kinokontra ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang praise release ng gobierno na ilagay ang motorcycle plate number sa vest ng isang rider.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapalpakan ito dahil dagdag gastos ito para sa kanila kaya naman napakaraming pumapalag sa gustong mangyari ng ahensiyang gustong magpatupad nito.
‘pagpalagay natin may vest ang mga rider na may malaking numero nakatitik paano ngayon kung may bag pack ang mga ito ?’ tanong ng kuwagong reklamador.
Sabi nga, anong silbi !
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, diktihan dapat ng LTO ang nanalong kontratista sa vehicle plate number na palakihin ang numero ng plate number ng motorsiklo sa harap at likuran para mas madaling mabasa ng bata o matanda, malayo man o malapit.
‘gayahin sa ibang bansa malalaki ang plaka ng mga motorsiklo doon kaya wala silang problema kung magkaroon man ng aberya at mas madaling mabasa sa CCTV ang mga nakatitik dito.’ sabi ng kuwagong SPO-10.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang gobierno rin kasi ang may kasalanan kung bakit sangkaterbang bagong sasakyan ang walang plaka ?
‘dapat may political will ipatupad ang ‘no plate, no travel’ policy mapa-police, militar o taga - gobierno man basta lumabag dito hulihin.’ sabi ng kuwagong haliparot.,
‘itigil na natin ang lagayan basta ang importante ‘political will,’ at huwag na natin pahirapan pa ang madlang people sa vest - vest na ito.’
Abangan.