LIBU-LIBO ang nakiisa sa pagdiriwang ng birthday kahapon (April 19) ng tinaguriang Ama ng Masa na si da-ting President Joseph “Erap†Estrada, habang paulit-ulit nilang isinisigaw ang kanilang pagbating “Happy birthday, Mayor Erap!â€
Pangunahing nakipagdiwang ang mga residente ng Maynila kung saan ay kumakandidato si Erap sa pagka-mayor sa May 2013 election. Ang mga Manilenyong ito ang nagdeklara ng kanilang buong kumpiyansa na si “Mayor Erap†ang magbabangon ng lungsod mula sa kinasadlakan nitong madilim, marumi, magulo at atrasadong kalagayan.
Wika ni Erap, “Ako ay nagpapasalamat sa lahat ng mga Manilenyo na bumati at nakibahagi sa aking kaÂarawan. Ang araw na ito ay lalong naging mas espesÂyal dahil sa inyong ipinaramdam na pagmamahal at suporta sa akin.â€
“Birthday wish†niya umano na manalo sa darating na halalan ang buong ticket nila sa Maynila gayundin ang lahat ng kanilang senatorial candidates sa ilalim ng Uni-ted Nationalist Alliance (UNA).
Aniya, “Sana ay inyong suportahan ang aming ticket, ka-sama ang anim na konsehal ng inyong distrito at kongresista na magiging katuwang namin sa pagbabago at pagpapaunlad ng Maynila. Huwag niyo rin pong kakalimutan ang siyam na mga kandidato ng UNA para sa Senado. Silang lahat ay sinala namin, walang bahid ng katiwalian, malinis ang pangalan at may pusong maglingkod para sa mga mahihirap.â€
Napaka-makabuluhan para kay Erap ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa Maynila, partikular sa Tondo kung saan siya isinilang. Binigyang-diin niya na ang kanyang pagkandidato ay alay niya sa bayan, laluna sa
mga mahihirap na residen-te ng lungsod.
“Hindi po maaaring wala akong gawin sa aking sinilangang bayan lalo pa at kitang-kita ko na palubog nang palubog ang mahal nating lungsod ng Maynila.
Malakas pa naman ako at kaya ko pang mag lingkod. Lubhang nalulungkot ako sa kasalukuyang kalagayan ng Maynila at ng masang Pilipino na hindi ako iniwan mula umpisa. Hindi ko maaatim na magkibit-balikat na lamang at hindi kumilos sa harap ng mga problemang ito ng aking mga kababayan,†deklara pa ni Erap.