EDITORYAL - Maraming bagsak sa red tape test
NOONG nakaraang taon, nagsagawa ng pagsubok ang Civil Service Commission (CSC) sa mga tanggapan ng gobyerno sa buong bansa bilang pagsunod sa Anti-Red Tape Act of 2007. Marami silang tanggapang ininspection. At ang resulta: 150 tanggapan ang bumagsak sa red tape test. Ibig sabihin namamayani sa 150 tanggapan ang katiwaliam. Itong mga tanggapang ito ang nasanay nang laging may “padulas†ang anumang transaksiyon. Hindi gagalaw ang mga dokumento kapag walang “padulas†na pera. Ang nakapasa lamang sa test ay 50 tanggapan. Sandamukal ang mga katiwalian sa mga tanggapan at kung hindi masasawata ang ganitong kasamang praktis, hindi makikita ang “tuwid na daan†patungo sa pagbabago. Nangunguna sa mga tanggapang bumagsak sa red tape test ay ang Bureau of Customs at ang Government Service Insurance System.
Pinagbatayan ng CSC sa kanilang isinagawang test ay ang kalidad ng serbisyong pinagkakaloob sa mamamayan, masisiglang empleado at nasisiyahan ba o na-satisfy ang mamamayan sa serbisyo. Nakakadismayang marami sa mga tanggapan ng pamahalaan ay hindi pumasa sapagkat napakahina ng kanilang serbisyo para sa mamamayan. MaÂraming tanggapan din ang napapaligiran ng fixers. Kabilang sa mga tanggapan na umaaligid ang fixers ay ang LTO at mayroon din sa National Statistics Office (NSO). Hindi naman nabanggit kung nagsagawa rin ng red tape test ang CSC sa mga tanggapan ng local officials o sa City Hall kung saan laganap din ang katiwalian. Karaniwang nagkakaroon ng lagayan sa pag-iisyu ng building permit at kung anu-ano pang mga permit. May mga nangyayari ring lagayan sa pagbabayad ng real property taxes at iba pang bayarin sa buwis.
Ang talamak na red tape sa mga tanggapan ng pamahalaan ang sumisira sa plano ng mga dayuhang negosyante na mag-invest sa bansa. Natatakot sila sa mga hinihinging “lagay†para makapagtayo ng negosyo. Napakaraming kuskos-balungos at pinahihirap ang transaksiyon na ang suma-total, manghihingi lang pala ng “padulas†na pera. Noong 2007, isang grupo ng American businessmen ang nagbantang aalisin ang kanilang negosyo sa bansa kung hindi mapuputol ang red tape.
Hanggang ngayon, problema pa rin ang red tape. At patunay ang ginawang test ng CSC. Kailangang maputol ang masamang praktis na ito.
- Latest