^

PSN Opinyon

Kakulangan sa publikasyon

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

SA extrajudicial foreclosure sale ng isang real estate mortgage, ang notice of sale ay kailangang ipaskil sa pampublikong lugar kung saan matatagpuan ang lupa. Ang notice ay dapat ipaskil nang hindi kukulangin sa 20 araw, isang beses kada linggo sa loob ng tatlong linggo sa isang diyaryo na may general circulation kung nagkakahalaga ng higit sa P400,000.00. Ang hindi pagsunod ay magreresulta na walang bisa ang pagbenta ng lupa. Ito ang kaso ng mag-asawang Diony at Carrie.

Ang kaso ay tungkol sa lupa ng mag-asawa sa Caloocan City na kanilang iminortgage sa bankong PSB upang makakuha ng loan na P3,082,000. Ito ay inilit ng banko nang hindi makapagbayad ng utang ang mag-asawa.

Ang foreclosure sale ay isinagawa noong March 29, 1996 ng Deputy Sheriff ng Regional Trial Court sa Caloocan matapos niyang ipaskil ang notice of sale sa tatlong pampublikong lugar at nilathala sa diyaryong “Ang Pinoy”. Sa proseso ng pagbebenta, lumabas na ang PSB ang pinakamataas na bidder sa kanyang P3,000,000 na bid. Matapos nito ay nag-issue ng certificate of sale para sa PSB.

Nagsampa ng kaso sa RTC ang mag-asawa para pawalang-bisa ang pagbenta dahil ayon sa kanila, ang extrajudicial foreclosure ay walang bisa ay hindi sinunod ang tamang patakaran sa pagpublish ng notice. Ayon sa kanila, ang “Ang Pinoy” ay hindi diyaryo na may general circulation.

Sabi ng RTC nasundan naman ang patakaran sa paglathala ng notice kahit hindi nito tinanggap bilang ebidensiya ang affidavit of publication na ipinresenta bilang ebidensya ng PSB kung saan nakasaad na ang “Ang Pinoy” ay diyaryo na may general circulation na ipini-print at nilalathala sa Manila. Ayon sa RTC ito ay hearsay evidence dahil hindi naipresenta ang affiant sa witness stand. Umasa lamang ang RTC sa positibong testimonya ng Deputy Sheriff na iginawa niya ang paglalathala ng Notice of Sale bilang pagsunod sa obligasyon sa trabaho. Ang kanyang sinabi ay taliwas sa ebidensya ng mag-asawa sa paraan ng testimonya ng isang tagabenta ng diyaryo sa Quezon City. Ayon sa testigo, hindi niya kilala ang “Ang Pinoy” at hindi niya binebenta ito. Ngunit sabi ng RTC ang testimonyang tulad nito ay hindi maaaring magdulot ng konklusyon na walang diyaryong “Ang Pinoy”. Inapela ng mag-asawa ang desisyon ng RTC sa Court of Appeals (CA). Pagkatapos makuha ang report ng executive judge sa Caloocan RTC na nagsasabing  hindi akreditadong diyaryo sa Caloocan ang “Ang Pinoy” at hindi maaaring i-categorically declare na ito ay diyaryo na may general circulation sa ka­­salukuyan at noong 1995-1996, sabi ng CA na ang “Ang Pinoy” ay hindi diyaryo na may gene­ral circulation sa Caloocan. Idi­neklara ng CA na void ang extrajudicial foreclosure dahil hindi ito sumunod sa pataka­ran na kailangang ilathala sa diyaryo na may general circulation ang notice of sale. Tama ba ang CA?   

TAMA. Totoong kailangang patunayan ng mag-asawa ang di-pagsunod sa patakaran ng publikasyon at ang testimonya ng nagbebenta ng diyaryo ay hindi sapat at mapagkakatiwalaan. Subalit ang mga negatibong alegasyon ay hindi na kailangang patunayan kahit na ito ay kailangan sa kaso o depensa kung ito ay tungkol lamang sa isang dokumentong nasa pagmamay-ari ng kabilang partido.

Sa kasong ito, madali sa­nang nakuha ng PSB ang affi­davit of publication at iba pang ebidensya tulad ng mga nilathala na mga notice upang kalabanin ang alegasyon ng mag-asawa. Ang affidavit of publication na mula sa account officer ng diyaryo ay prima facie na ebidensya na ang diyaryo ay generally circulated sa lugar kung saan matatagpuan ang mga lupa. Ang affidavit of publication ay hindi tinanggap ng RTC kahit pormal itong iprinisinta ng PSB dahil ito ay hearsay lamang. Hindi ito kinuwestyon ng PSB. Umasa nalang sila sa testimonya ng Deputy Sheriff na hindi naman sapat upang patunayan na sumunod ang bangko sa patakaran ng publication. Makikita sa testimonya niya na walang kaalaman ang Deputy Sheriff tungkol sa publication ng notice.

Ang pagpaskil ng notice ay trabaho ng publisher. Hindi kaya ng Deputy Sheriff na patunayan na naipublish ang notice of sale batay sa affidavit of publication sa isang dyaryo ng general circulation. Bukod pa rito, ang “Ang Pinoy” ay diyaryo na may general circulation lamang sa Manila at hindi sa Caloocan kung saan, naroon ang isinangla na lupa. Ito ay hindi ayon sa patakaran ng batas. Ang publication ay isang pangangailangan at paraan upang makakuha ng publicity at ng mga bidder at para maiwasan ang sacrifice sale. Ang extrajudicial foreclosure at sale of real estate mortgage ng mag-asawa ay walang bisa dahil hindi sumunod sa patakaran ng pagpublish ang bangko (Phil Savings Bank vs. Spouses Geronimo, G.R. 170241, April 19, 2010).

ANG PINOY

CALOOCAN

DEPUTY SHERIFF

DIYARYO

MAG

NOTICE

SALE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with