‘Baho’ sa NKTI
‘Eto na matapos isulat ng Chief Kuwago ang masalimuot na buhay ni Donya Buding, a.k.a ‘Butanding,’ ng National Kidney and Transplant Institute o NKTI, nakatanggap ako ng isang letter mula sa isang employee ng pinag-uusapan nating hospital.
Sabi nga, NKTI !
Ang letter ay nakarating na kay Chief Ombudsman Conchita-Carpio Morales last Marso 26.
Tumpak, ang iniisip ninyo mga reader, may mga sinusumbong siyang mga anomalya sa NKTI !
Ayon sa liham ni Victor De Vera, marami nang reklamo ng korupsyon sa NKTI pero sana naman ngayong ang pamahalaang Aquino ay isinusulong sa isang “daang matuwid†sana ay maaksiyunan na ang mga ito.
Sabi nga, dapat lang !
Katunayan nga mayroon siyang binanggit na isang ordinaryong empleyado ng NKTI, na sinasabing si Josephine Esguerra Villalon, sa kanyang sulat kay Ombudsman Morales na ‘hindi dineklara sa kaniyang Statement of Assets and Liabilities (SALN) ang kaniyang mga ari-arian at mga negosyo mismo sa loob ng NKTI.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa sulat, sinasabing siya ang kasamang may-ari ng CoopPLus na siyang nagpapatakbo ng 7-11 Convenience sa tabi ng NKTI hospital at sa katunayan daw ay P250,000 ang kaniyang capital share doon.
Sa kaniya rin umano ang Jamaican Patty na may tindahan sa loob din NKTI at sinasabing may kasama pa siyang isang datihang NKTI employee.
Siya rin ang tinuturong kumuha ng komisyon sa lease ng parking lot ng NKTI sa Ayala Inc. na anim hanggang walong taon ?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sa mga negosyo na lang sa NKTI, mahirap nang maipaliwag ni Villalon kung totoo man kanya ito ang kaniyang pinagkunan ng pondo.
Tanong - paano pa ang sinasabing maluho niyang lifestyle sa mga anak na nag-aaral lahat sa pribadong mga eskuwelhan? Ang paglipat daw sa isang maganda bahay sa AVIDA sa Antipolo ?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa sumbong, ang kaniyang asawa raw ay isang laborer sa abroad kaya mahirap din namang masabi nagmimina ito ng ginto o langis ?
‘aba, ganito rin ang buhay ni Donya Buding kaya mukhang talagang malaki ang baho sa loob ng NKTI na ngayon ay pinagmamalaki pa nating “world-class.’ sabi ng kuwagong kurakot.
Sino si Jay ‘kurbata’ sa Bureau of Customs
ISANG kurap na empleado ng Bureau of Customs itong si alyas Jay kubeta este mali ‘kurbata’ pala dahil malaki ang kinita nito sa aduana noon examiner pa ito sa NAIA at kung saan pang mga lugar na pinuntahan nito dahil miembro ito ng ‘tara’ boys o ang tinaguriang ‘kalabit - pahingi’ group.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kumita ng todo ng malaking halaga ng salapi si Jay ‘kurbata’ noon maitalaga ito sa Presidential Anti-Smuggling Group o PASG dahil humataw ito doon lalo na sa multi-million worth ng mga alahas.
Sabi nga, tara dito, tara doon, pananakot dito, pananakot doon !
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinusulot pa raw ngayon ni Jay ‘kurbata’ ang position ni NAIA Customs Collector Ding So para siya ang pumalit dito.
Isa pa sa ambisiyon ni Jay ‘kurbata,’ ang maging deputy Commissioner for Assessment kaya lahat ng mga puede nitong gambalain ay tinatawagan niya para makuha ang puestong ito.
Ang hindi alam ni Jay ‘kurbata’ ay hanggang diyan na lamang siya dahil matindi ang derogatory information ng Department of Finance sa kanya dahil sa mga pinaggagawa nito noon nasa PASG pa ito.
Sabi nga, sa kasuwapangan sa pera ayon nabuko ang trabaho niya !
Abangan.
- Latest