Cabinet secretary… nagbabalak nang kumandidatong Presidente simula pa noong 1995
ALAM n’yo bang 15 taon ang naging preparasyon ng isang cabinet secretary upang kumandidato sanang Presidente?
Ayon sa aking bubwit, noong congressman pa lamang si Mr. Secretary noong 1995, kinausap niya ang isang kilalang political analyst. Humingi ng payo si Secretary kung ano ang mga dapat niyang gawin at paghahanda para sa presidential election at kung sakaling manalo siya ay kukunin niyang political adviser ang nasabing political analyst.
Habang sila ay nag-uusap, tinanong si Sir kung kailan siya kakandidatong Presidente, yun pala ay sa 2010 presidential election pa sana. Akala ng political analyst, noong 1998 na dahil 1995 sila nag-usap.
Wow! Ang habang panahon ng preparasyon ni Sir, 15 years. Pero ang malungkot na pangyayari, noong nagbabalak nang kumandidato si Sir, biglang namatay si dating President Cory Aquino. Dito ay nabuo ang concensus ng mga taga-suporta ni dating President Cory na si Sen. Noynoy Aquino na lamang ang patakbuhing presidente. Masakit man ang kalooban ni Mr. Secretary, napilitan siyang umatras.
Ayon sa aking bubwit, ngayong malapit nang matapos ang termino ni P-Noy, muli na namang naghahanda si Secretary at ang binabalak pang runningmate niya ngayon ay si Kris Aquino. Ang Cabinet member na malapit kay P-Noy na naghahandang kumandidatong Presidente simula pa 1995 ay si Secretary R.M.
- Latest