“Ang Lihim ni Kissa” (Huling bahagi)
NUNG NAKARAAN tinampok namin ang istorya ng umano’y pagpapakamatay ng isang Nursing Student na is Kissarne “Kissa†Louise Blanco sa bahay ng kanyang lola sa Tandang Sora, Quezon City.
May dokumentong nakuha ang aming staff, isang sinumpaang salaysay na ibinigay sa NBI ng isang malapit na kaklase ni Kissa.
Nakausap namin mismo itong tao at inamin niyang sa kanya ang sulat-kamay na salaysay na ibinigay sa NBI. Narito ang ilang parte sa salaysay ni Froilan Ferrer na may petsang Nobyembre 27, 2011:
‘Ako si Froilan dela Cruz Ferrer, 19 anyos at isang Nursing student.
Noong Mayo 25, 2011 mga bandang 10-11AM ay tinawagan po ako ng pinsan ni Kissa. Noong mga oras po na iyon ako ay kasalukuyang nasa D6 Computer Shop malapit sa FEU. Hindi ko kakilala ang number ng tumatawag sa akin noon at aking sinagot ito. Nagpakilala ang pinsan ni Kissa na siya raw ay si “Nicoâ€. Sinabi ni Nico sa akin na mayroon daw problema si Kissa at nagkukulong sa kanyang kuwarto at tanging ako lang ang gustong makausap. Dahil dito hindi ako nagdalawang isip na sumama sapagkat kaibigan ko si Kissa. Sinabi sa akin ni Nico na susunduin daw niya ako sa FEU, at ako naman po, lingid sa aking kaalaman na patay na si Kissa ay pumayag sa pagsundo niya sa akin upang puntahan si Kissa.
Dumating si Nico sa FEU ng mga bandang 12NN-1PM sapagkat trapik daw noon. Habang kami ay nasa biyahe kinukuwento niyang mayroon nga raw pong problema si Kissa. Hindi po niya sinasabi kung sino o ano ang problema ni Kissa basta ang sinasabi lang po niya ako lamang daw po ang gusto niyang makausap. Ako ay nagtaka dahil hindi naman ako ang bestfriend ni Kissa pero bakit ako ang gustong makausap nito. Dumating kami sa Tandang Sora ng mga bandang 2PM-3PM at dun ko na lang po nalaman at ako ay nagulat na si Kissa pala ay patay na’.
KUNG TOTOO ang nilalaman ng salaysay ni Froilan ito ay diretsong
bumabangga sa pahayag sa amin ni Dolores ng umere siya sa aming programa sa radyo. Naka tape on-air pa rin ito ng sabihin niya na sinamahan siya ni Nico sa bangko dahil mataas ang presyon ng kanyang dugo at kukunin niya ang ‘chattel mortgage’ ng kanilang sasakyan dahil bayad na ito.
Naka-lock ang kuwarto ni Kissa paano nalaman ni Nico ang numero ng cell phone ni Nico?
Nang makausap namin si Froilan nagsabi siyang handa siyang humarap sa isang imbestigasyon para patotohanan na si Nico nga ang sumundo sa kanya gamit ang isang sasakyan.
Walang binanggit na ganito si Dolores dahil ang sabi niya kasama niya si Nico.
Sino ang nagsasabi ng totoo? Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon makausap si Nico dahil sa tamang lugar na lang daw (proper forum) sasagutin nila ang lahat kung may demandang ihahain sa kanila itong si Terzo o Boyet.
Kapag nag-iimbestiga ng isang ‘alleged suicide’ forensic case ito at ang miyembro ng SOCO alam nila na dapat sumailalim ito sa isang ‘Post Mortem Examination’, ‘Standard Operating Procedure’ yan (SOP) o matic yan dahil Homicide muna yan hangga’t hindi napapatunayan base sa imbestigasyon na nagpakamatay nga ang biktima.
Alam mo yan Superintendent Felipe “Tito†Cazon, Jr., dahil ikaw ay isang police officer at mataas ang ranggo.
Kaya pumayag itong si Police Inspector Arnold Mendoza team leader ng SOCO na rumesponde sinabi mo Tito na ikaw na ang bahala magpa ‘autopsy’ ng bangkay kaya nga hindi na nila kinuha o ginalaw ang bangkay kung saan nakahiga ito sa kama sa ibabang bahagi ng ‘double deck’.
Nang hinahanap ang sinturon na ginamit na pambigti sinabi mo raw kay Boyet na nasa SOCO isang bagay na lininaw sa salaysay ni P/INSP Mendoza sa kanyang pahayag sa CIDG kay P03 Roderick Taca.
Mendoza: Hindi po kasama ang sinturon sa mga kinolekta naming ebidensya dahil nang abutan namin ang bangkay ay wala na ito sa original position at ang sinturon ay nakakabit pa sa leeg ng biktima kaya hindi ginalaw dahil gagamitin pa ito ng medico-legal officer sa examination during autopsy, maliban dito ay nalaman ko sa imbestigador na si SPO2 Garnace na wala na sa orihinal na posisyon ang bangkay bago kami dumating dahil nagalaw na ito.
T16: sa iyong pagkakaalam, nasaan na kaya ang sinturon na ito?
Mendoza: SOP sa amin na kapag nakakabit sa biktima ang anumang instrumento ay hindi namin ito ginagalaw hanggang makita at maexamine ng medico legal officer ,sa katunayan ay kinuhanan pa namin ito ng photo habang nakakabit pa ang sinturon sa leeg ng biktima.
Habang nasa bahay pa ang bangkay ni Kissa, ikaw Tito ang may disposisyon na ipa-autopsy yan. Dapat walang ginagalaw na bagay sa loob ng kuwarto at alamin lamang kung buhay pa ang biktima.
Marahil kaya lamang pumayag itong si P/INSP Mendoza na hindi dalhin ang bangkay para gawin ay ang garantiya mo sa kanila na kayo na ang magpapa-autopsy sa bangkay.
Ganun pa man hindi nahuhugasan ang resposibilidad ng SOCO na hinayaan nila ang bangkay na hindi ma eksamin. Pinapirma ba nila si Tito o sinumang miyembro ng pamilya ng ‘waiver’ na hindi na ipapa-autopsy ang bangkay? Nasaan ang dokumento kung meron man P/INSP. Mendoza?
Dineretso si Kissa sa morgue ng puneraria ng St. Peter’s Memorial Chapel. Nung dumating daw ang lola ito raw ang nagdesisyon na huwag ng ipa-autopsy. May kinuhang doktor na pumirma ng ‘Cause of Death’ dahil sabi mo umano kay Boyet kailangan may pumirma ng Death Certificate para mailipad sa Leyte. Kayo raw ang umasikaso nun hindi sila.
Sinabi ni Dolores na kumuha sila ng karpintero para wasakin ang door knob ng kuwarto. Bakit kailangan magtawag ka ganun andun ang drayber mong si Enrique Antipala at bayaw mong si Nilo Cazon. Nandun din daw si Nico sabi ni Dolores. Limang lalaki kayo kailangan pa ng mga karpintero?
Maraming lihim sa umano’y pagpapakamatay ni Kissa. Ang mga sagot maaring hindi na mahukay pa sa tagal ng pagdaan ng panahon.
Ang umano’y ‘suicide notes’ na ipinakita sa amin ni
Dolores ay matagal ng naisulat ni Kissa pati na rin ang ‘doodled notes’ ng babae.
Marami pang bagay kaming napansin subalit mahaba na ang itinakbo ng seryeng ito.
Ang mga sagot sa tanong na dapat sagutin sa lihim ng umano’y pagpapakamatay ni Kissa marahil hindi na mabubungkal ito at dadalhin na niya habambuhay sa kanyang libingan.
Si Boyet naman ay nagsampa ng kaso sa Ombudsman laban kay P/Supt. Felipe ‘Tito’ Cazon, Jr., para sa kasong ‘Dereliction of Duty’.
Nasa Ombudsman na ang kaso at ito ang tamang lugar para maipaliwanag ang inyong mga argumento. Di ba’t yan ang kagustuhan ninyo? (KINALAP NI PAULINE VENTURA)
Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784392 o 0906-7578527 . Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes. Follow us on twitter: Email: [email protected]
- Latest