^

PSN Opinyon

“Ang Lihim ni Kissa” (Ikalawang Bahagi)

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Nung Miyerkules, ikinuwento ko ang umano’y pagpapakamatay ni Kissarne  “Kissa” Louise Blanco sa bahay ng kanyang lola sa Tandang Sora, Quezon City.

Nagkaroon ng imbestigasyon doon ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) at ayon kay P/Supt. Ronald Mendoza (base sa kanyang salaysay sa Criminal Iinvestigation and Detection Group QC nung Disyembre 6, 2011) sinabi raw ng tiyuhin ni Kissa na si Superintendent Felipe “Tito” Cazon, Jr. na siya na raw ang bahala sa pagpapa-autopsy sa pagdadalahang punerarya.

Mabilis na umuwi ng Maynila ang lola ni Kissa mula Leyte na si Celestina B. Shute at kinabukasan ay dumating din ang mga magulang na sina Terzo (Boyet) at Cecilla(Cecil) Blanco sa St. Peter’s Funeral Chapel.

Dumating sila sa St. Peter’s Chapel at nakita doon na nakalagak na ang katawan ni Kissa, embalsamado na at mayroon ng mga nakikiramay na mga bisita.

Kinausap niya si Tito para malaman ang dahilan ng pagpapakamatay ng anak. Sinabi nito sa kanya na tampo sa kanilang mag-asawa ang dahilan dahil ayaw nilang pauwiin ito ng Leyte para magbakasyon. Nilinaw ni Boyet na imposible ito dahil tatlong araw mula nun ay pinabibili pa niya ng ticket ito pauwi ng Leyte.

Pagkaraan ng apat na araw na burol sinabi ni Tito na hindi maiuuwi ang labi ni Kissa sa Leyte dahil walang doktor na gustong pumirma ng “death certificate” dahil hindi naipa-autopsy ito. Tinanong ni Tito kung anong ginagawa sa autopsy.  Pinaliwanag ni Tito na hihiwa-hiwaan ang katawan para sa pagkuha ng sample mula sa “internal organs” ng katawan at matatagalan sila.

“Pumayag na lang ako na kumuha sila ng doktor na pipirma sa death certificate. Naisip kong pag-uwi ko na lang ipapa-autopsy si Kissa,” ani Boyet.

Habang nakaburol si Kissa sa Leyte, nabagabag si Boyet at dumating siya sa konklusyon na hindi kayang gawin ng anak na magpakamatay. Dito na niya kinumpronta si Tito at Dolores kaharap ang kanilang ina at sinabing, “Mababaw ang mga dahilan na binigay ninyo! Hindi ako naniniwalang nagpakamatay ang anak ko. Hahanapin ko ang hustisya para kanya!”.

Mas lumakas ang kanyang pakiramdam nung makausap din niya sa burol ang  driver nina Dolores na si Enrique Antipala. Nabanggit nitong siya ang nagbukas ng pintuan ng kwarto ni Kissa at kasabay niyang pumasok si Nico. Dinampot daw ni Nico ang cell phone ni Kissa at tinignan ang lahat ng ka-text nito at nakita niyang may binubura umanong mga mensahe.

Kinabukasan, hindi na nakipaglibing ang pamilya ni Tito. Pakiramdam ni Boyet may iniiwas sila sa kanya. Hunyo 6, 2011 inilibing si Kissa sa Hinundayan Cemetery. Isinantabi muna ni Boyet ang mga puwede niyang gawin para masagot ang lahat ng kanyang katanungan.

Matapos ang ilang linggo ipinahukay niya ang katawan ni Kissa sa isang Medico Legal ng National Bureau of Investigation, Tacloban para mai-autopsy.

Base sa resulta ng “Exhumation Report” na isinagawa ni Dr. Rolando Victoria ng NBI Tacloban Medico Legal Division, si Kissa ay merong marka ng dalawang magkatapat na linya na dulot ng mahigpit na pagkakatali (“ligature marks”) sa leeg na hindi pumulupot hanggang batok(“incompletely encircling the neck”). Palikod at pataas ang direksyon nito. “Asphyxia by hanging” ang inilagay na dahilan ng pagkamatay ni Kissa.

Sunod-sunod na ang aksyong ginawa ni Boyet. Bumalik siya ng Maynila at kinuha ang resulta ng SOCO report. Lumabas sa “Chemistry Laboratory Report” na tubig lang ang laman ng hiringgilya(“Negative from any dangerous drug”).

Kinuha rin niya ang ulat mula sa CIDG na nagpagawa ng “forensic examination” ng cell phone at laptop ni Kissa. Nakita rito ang laman ng inbox (pero wala nang laman ang  “sent items”) at “chat history” ng mga nakausap ni Kissa online sa internet partikular sa kanyang Facebook Account(FB).

Mayo 25, 2011—mula sa inbox ni Kissa.

1:37 AM—Kyle Vincent Lawrence: “Nxt tym na wen ur not drunk.. Anyway, I enrolled na..take care na lang.. ‘wag pasosobra..”

8:51 AM—Froilan Ferrer: “Kissa kta tau mamaya ha 1pm dun sa tech building ha wag mo kalimutan biodata ah.”

9:47 AM—Froilan Ferrer: “Kissa? Gcng knb?”

10:16 AM—Froilan Ferrer: “Kissa  reply ka naman. Pls. Asap.”

11:19 AM—Froilan Ferrer: “Ui kissa? San kb?”

12:59 PM—Froilan Ferrer: “Kissa papunta nko feu nasan kna?”

2:23 PM—Froilan  Ferrer: “Ui kissa?”

3:19 PM—Froilan  Ferrer: “Kissa kakilala mo ba ung tumawag sken?”

Tinignan ang FB Acct. ni Kissa upang makita ang  mga huling ginagawa niya online mula Mayo 24 hanggang 25.

11:45pm Kissarne Louise Blanco moks nag warflow ka?



  

11:52pm Romeo Marticio Jr. “Nanonood ako ng bleach. Kaw?”

11:52pm Kissarne Louise Blanco “Nag-warflow. Wala akong planong matulog…hahaha..mag movie marathon muna ako.”

11:53pm Romeo Marticio Jr. “Hahaha…adik…ano ang papanoorin mo ngayon?”

11:54pm Kissarne Louise Blanco “The vampire diaries.”

12:02am Romeo Marticio Jr. “Ahw…bakit di ka matutulog?”

12:03am Kissarne Louise Blanco  “Trip ko lang.”

12:47am Romeo Marticio Jr. “Ano na ginagawa mo?”

12:48am Kissarne Louise Blanco  “Ito nag movie marathon pa din.”

1:01am Romeo Marticio Jr. “Mamigay ka dyan! Hahaha.”

1:01am Kissarne Louise Blanco “Sure.”

1:09am Kissarne Louise Blanco ./,kl;





1:10am Romeo Marticio Jr.?





1:13am Kissarne Louise Blanco moks nkakapagod din pla mag mahal sa taong walng pki in short hnd ka rin mahal t&^% ina gago talaga





1:16am Romeo Marticio Jr. huh? kanino naman? ganun talaga..





1:18am Kissarne Louise Blanco ganun tlga..pro pg ako nghiganti sa kanila empyerno mraranasan nla gago kc e.

1:21am Romeo Marticio Jr. “ahw…san sa vampire diary yan?”

1:23am Kissarne Louise Blanco gago d q tanapos banngag nko





1:24am Romeo Marticio Jr. hey.. chill girl.. whats wrong with you? sinong nila? still there?



May 25, 2011

2:21am Kissarne Louise Blanco ron unli col ka?(Chat message kay Ron Jacob de Guzman)

Kung pagbabatayan natin ang kanyang FB account, ito na ang  huli niyang isinulat sa chat. Sa mga nabasa ninyo sa itaas na mga chat conversation ni Kissa meron ba kayong nakitang pahiwatig na aakalain mong ang susunod na gagawin niya’y magpakamatay? Sa pahintulot ng pamilya Blanco, sinaliksik ng Calvento Files at binuksan ang  FB Acct ni Kissa. May mga bagay, mensahe at mga pangalang lumabas na mas lalong magpapalapot sa storya at lihim na pagpapakamatay ni Kissa. ABANGAN ang karugtong ng seryeng ito sa LUNES EKSKLUSIBO dito sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON. (KINALAP NI PAULINE VENTURA) Sa gustong dumulog ang  aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784393 . Ang  landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

Follow us on twitter: Email: [email protected]

BLANCO

BOYET

KISSA

KISSARNE

KISSARNE LOUISE BLANCO

LOUISE

ROMEO MARTICIO JR.

UML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with