Magandang congresswoman at guwapong congressman... nagkaroon ng one-night stand affair SABI NI BUBWIT...

ALAM n’yo bang usap-usapan ng mga congressmen at congresswomen ang naging one- night affair ng dalawa nilang kasamahan sa Kamara de Representantes?

Ayon sa aking bubwit, may mga congresswomen na naiinggit pa kay congresswoman dahil nakapiling niya ang isa sa mga pinaka-guwapong kongresista.

At maniniwala ba kayo na ang kuwentong ito ay napag-usapan din ng ilang Cabinet members kasama na si President Noynoy Aquino nang ipatawag niya ang ilan nilang kaalyadong  congressmen sa Malacañang.

Habang ikinukuwento ng ilang kongresista ang one-night stand affair ni congressman at congresswoman, tawa naman nang tawa ang presidente.

Ayon pa sa aking bubwit, nagpa-enhance pala ng boobs si congresswoman at ang unang nakinabang dito ay si guwapong congressman.

Tingnan mo nga naman itong mga kongresista natin, akala natin ay mga kagalang-galang, yun pala ay mga tsismoso rin, he-he.

Ayon sa aking bubwit, ang congresswoman at congressman na nagkaroon ng panandaliang relasyon, one- night stand affair ay sina . . .

Yung congressman na guwapo at mestizo ay mula sa isang kilalang angkan ng mga pulitiko sa Eastern Visayas. Siya ay si Congressman F as in Fernando.

At ang magandang congresswoman na nagpalaki pa ng boobs ay walang iba kundi si Metro Manila Congresswoman D as in Darling.

 

Show comments