^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pestaño slay case, uusad na sa wakas

Pilipino Star Ngayon

MARAMING pinaslang sa bansang ito na hindi pa nagkakaroon ng katarungan. Maraming pinatay na hindi na malaman kung ano ang tunay na dahilan. Ang kawawa ay ang mga pinatay para patahimikin at mapagtakpan ang masamang gawain. Maraming nagsakripisyo ng kanilang buhay para lamang magampanan nang matapat ang kanilang trabaho. Ang mga taong ganito ang tunay na ba-yani.

Noong 1995 pa nangyari ang pagpatay kay Navy Ensign Philip Pestaño. Matagal-tagal na ring panahon na wala siya sa mundo pero ang naiwan niyang pagmamahal sa trabaho ay hindi marahil malilimutan. Deck officer at cargo officer ng BRP Bacolod. Natagpuang patay si Pestaño sa kanyang cabin na patay na. Nasa tabi niya ang isang baril at suicide note.

Subalit pinagdududahan ang suicide note ni Pestaño. Hindi raw iyon ang sulat-kamay ni Pestaño. Mali rin umano ang posisyon ng baril na ginamit ni Pestaño.

Sampung Navy men ang inakusahang sangkot sa pagpatay kay Pestaño. Nirekomenda ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso sa 10 Navy men na karamihan ay mga matataas na opisyal. Ayon sa Ombudsman, may matibay na basehan para madiin ang Navy men.

Ayon sa report, pinatay si Pestaño makaraang madiskubre nito na ang ikakarga sa BRP Bacolod ay illegal na troso at 50 sako ng shabu na umano’y pinalalabas na arina. Hindi pinayagan ni Pestaño na maikarga ang mga kargamento kahit na ang mga superior pa niya ang nag-utos.

Pero sa kabila na may matibay na basehan para madiin ang 10 Navy men, hindi gumalaw ang kaso sa loob ng 17 taon. Sa tagal ng pag-usad, nagretiro na ang apat na Navy officials. Ang anim ay nasa active service pa.

Nagpalabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court Branch 55 laban sa anim na Navy men. Noong Lunes, isinilbi ang warrant. Sumuko naman ang anim at nasa kustodiya ng Navy Provost marshal. Sumuko raw sila para malinis ang kanilang pangalan.

Tiyak na uusad na ang kasong pagpatay kay Pestaño. Maaaring mabigyan na ng hustisya ang kanyang pagkamatay. Matagal nang naghahangad ng hustis-ya ang mga magulang at kapatid ni Pestaño at sana, makamit na ito sa lalong madaling panahon.

AYON

BACOLOD

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MARAMING

MATAGAL

NAVY

NAVY ENSIGN PHILIP PESTA

PESTA

PLUSMN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with