Mga samahan ng Pinoy sa Saudi
KAMI ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, dating President Erap at buong pamilya Estrada ay bumabati sa mga Pinoy na nasa Kingdom of Saudi Arabia.
Napakarami pala ng mga samahan ng mga kababa-yan sa Saudi, at magandang banggitin ko ang ilan sa kanila, tulad ng: OFW Congress, Philippine Nurses Association, GRII Desert Scorpion, Harmonicans, SIGAC, Saudi Arabia Hiligaynon Inc., Filipinos for Better Philippines, International Phil. School in Al Khobar, Phil. School in Dammam, Al Andalus School, Beta Sigma Fraternity Alumni Assn, Phil. Professional Organization, Bulakenyo Community, Society of Performing Arts, All Filipino Dammam Al Khobar Sports & Cultural Assn, All Filipino Community & Sports Community, Phil. Guardian Brotherhood Inc., PAGASA Community Support Group, Filipino Pop Music Club, SARI HIMIG, Society of Fa- shion Designers, Alpha Phi Omega Fraternity, United Bicolanos, Madla Tanghalang Filipino, FilBowlers, Samahang Manggagawang Filipino Inc., Samahang Nueva Ecijanos, World Organizer of Martial Arts at iba pa.
Ang naturang mga samahan ay sumulat kamakailan sa Department of Foreign Affairs at Department of Labor and Employment, at ang kopya nito ay ipinarating din sa tanggapan ni Jinggoy. Binanggit nila sa liham ang nabaÂlitaan nila umanong paninira ng ilang grupo kay Philippine Labor Attache to Kuwait David Dicang.
Anila, personal nilang naobserbahan ang pagsisilbi ni Dicang nang na-assign ito sa Philippine Overseas Labor Office-Eastern Region, KSA noong 2007 hanggang 2011.
Nakita umano nila na tunay itong nagmamalasakit
at nag-aasikaso sa mga Pinoy laluna sa mga nagkakaproblema. Malaki rin umano ang naging tulong nito sa pagpapaunlad ng mga Filipino group sa Saudi.
Sinabi nila sa DFA at DoLE na nais nilang magpatuloy pang makapagsilbi si Dicang bilang opisyal ng Philippine government para sa mga overseas Filipino.
- Latest