^

PSN Opinyon

Capitol City Masonic Lodge 174, NCR - E

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NGAYON araw, dakong alas 3pm gaganapin ang ika - 49th Public Installation ng mga bagong hangal este mali halal pala na mga opisyal at mga appointed officer ng Capitol City Masonic Lodge 174 sa Bureau of Soils, Elliptical Road corner Visayas Avenue, Quezon City.

Kaya naman binabati ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina incoming Worshipful Master Bro. Gilbert P. Palacol, Senior Warden Bro. Jonathan B. Elcano, Junior Warden Bro. Allan R. Alcantara, Treasurer WB Rodrigo V. Macatangay Jr., Secretary VM Roy M. Chu, auditor WB Ariel D. Fronda, Chaplain Gilgreg K. Madarang, Marshal Bro. Eric G. Ancheta, Sr. Deacon Bro.Nilo A. Apuada, Jr. Deacon Bro. Wilfred Delos Santos, Lecturer WB Antonio M. De Jesus, Organist WB Reno Concha, Orator VW Safiro A. Vinarao, Almoner Bro. Albert M. Encano, Historian VW Don Ramon R. Ignacio, Sr. Steward Bro. Jovito A. Lazaro, Jr. Steward Bro. Jaime B. Planas, Tyler outgoing WB Percy R. Pineda.

Sinabi ni WB Noly Romero iniimbitahan ang lahat ng Brethren na magpunta at makisaya sa okasyon ng kanilang Loya ngayon araw.

Ayon kay Romero, bawal magdala ng plastic bag dahil ipinagbabawal ito ni QC Mayor Herbert Bautista kaya naman pinapayuhan ang lahat ng gustong mag-uuwi ng mga sobrang pagkain na magdala ng supot.

Mga Kuyang punta na mamaya ! Ms. Bulilit sa LTO sangkot sa car smuggling

ISANG bebot na bulilit ang binubusisi ngayon para kasuhan dahil sangkot ito sa car smuggling noon panahon ni dating panggulo este mali Pangulo pala Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, saksakan ng porma at ibang klase kung umasta si Ms. Bulilit dyan sa LTO central office tinalo pa nito ang kanyang among si Virgie Torres.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkamal ng salapi si Ms. Bulilit ng umpisahan ang palusutan blues ng mga smuggle luxury vehicle sa Port of Subic noon panahon ni GMA kaya naman ang salapi nito ay mas mataas pa sa palasyo ng Malacañang kung tutuusin.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagbibilang na lamang ng araw si Ms. Bulilit dahil babateryahin na siya ng mga empleado sa LTO na buwisit na buwisit sa kanya.

‘si Ms. Bulilit ay kapangalan halos ng syota ni Mickey Mouse.’

Abangan.

Million piso ang kinita ng mga bugok sa pagtakas ng 3 tsekwang drug lords

NASAKOTE ng mga tauhan ng PNP ang isang burungoy kupitan na hinihinalang sangkot sa pag-rescue sa mga tsekwang drug lord at pinatakas kalaunan matapos ang isinagawang checkpoint sa isang lugar sa Imus, Cavite samantala dalawa pang hinihinalang mga kamote ang sinungkit naman sa follow-up operation ng pulisya sa may simbahan ng Baclaran habang patanga-tanga ang mga ito nakuha sa kanila ang isang granada at boga na sinasabing kinuha sa guardia sibil na bantay salakay este mali jail guard pala.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang grupong kumuha sa tatlong tsekwang drug lord na sina Li Tian Hua, Wang Li Na at Li Lan Yan, ay mga member ng Ozamis at Waray group na sinasabing sangkot sa payroll robbery sa Pasig City noon Nov. 2012 at sa Western Union noon isang buwan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang burungoy kupitan at kasangga nito na inaresto matapos silang makita sa CCTV ng provincial jail na dumalaw pa sa mga tsekwa matapos ang daring rescue.

‘tiyak malaking pera ang involved dito’ sabi ng kuwagong SPO -10 sa Crame.

Abangan.

 

ABANGAN

ALBERT M

ALLAN R

ALMONER BRO

ANTONIO M

ARIEL D

AYON

BRO

MS. BULILIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with