^

PSN Opinyon

Bayani, Pinoy style

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

BELATED Happy Valentine’s Day sa mga patuloy na tumataguyod sa Report Card. Dahil napapanahon ang usapang puso, pag-usapan natin ang isang Pilipina na kinilala sa pangmundong entablado na may pinaka-malaking puso sa lahat. Sa kauna-unahang State of the Union Address ng pangalawang termino ni US President Barack Obama, pinarangalan si Gng. Menchu de Luna Sanchez, isang Nurse sa New York University Langone Medical Center. Isa siya sa hinirang na bayani sa trahedya ng Hurricane Sandy. Twenty three “remarkable individuals” ang inimbitahan ni US First Lady Michelle Obama. Si Menchu ng Pilipinas ang iniupo niya sa tabi niya, sa pagitan nila at ni Dr. Jill Biden, maybahay ni US Vice President Joseph Biden, bilang sukdulang pagkilalala sa kanyang kabayanihan.

Sa kasagsagan ng bagyong Sandy, na-knock out ang kuryente ng ospital ni Menchu na naghudyat ng pagbukas ng back-up generators sa basement. Subalit dahil pumasok ang baha, matapos ang dalawang oras ay maging ang generators ay pumalya. Nasa 9th floor noon si Menchu sa NeoNatal intensive care unit kung saan may 20 sanggol na nasa kritikal na kondisyon. Brown-out, hindi gumagana ang mga mamahaling makina na nagmo-monitor sa mga baby at sa ilang oras lang ay siguradong bibigay na rin ang back-up batteries ng mga ventilator na bumubuhay sa mga bata.

Sa mabilis at maagap na pag-iisip, pinulong ni Menchu ang mga nurse at doktor, at bumuo ng “team” para sa bawat isa sa 20 na sanggol: Isang kakarga, isang may hawak ng manual ventilator, isang may hawak ng Intravenous bag. Isa-isa nilang binaba ang mga baby sa emergency stairs, gamit lang ang ilaw ng cell phone para lumiwanag ang napakadilim at matarik na hagdanan.

Sabay-sabay silang uma­apak habang may kumu­kumpas ng “step, step” dahil kung may madulas lang na isa ay tumbling sila lahat.  Habang nagaganap ito ay hindi ininda ni Menchu ang tawag ng kanyang asawa na umuwi na siya dahil pinapasok na ng baha ang kanilang bahay.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matirahan ang 1st floor ng bahay ni Menchu­. Subalit, naperwisyo man siya ay alam nating hindi niya ito iniinda. Dahil sa kanya at sa kanyang mga kasamahan ay nailigtas ang buhay ng mga munting anghel. Dahil kay Menchu ay muling­ napatunayan sa mundo kung gaano kalaki ang puso ng Pilipino.

DAHIL

DR. JILL BIDEN

FIRST LADY MICHELLE OBAMA

HURRICANE SANDY

ISA

LUNA SANCHEZ

MENCHU

NEW YORK UNIVERSITY LANGONE MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with