‘Marijuana eradication’ (Unang Bahagi)
NAGING malaking usapin sa bansa ang nararanasang malamig na panahon sa pagsapit pa lamang ng buwan ng Enero na inaasahang magpapatuloy hanggang ngayong Pebrero.
Kaugnay ng nararamdamang mababang tempera- tura ang pagkasira ng mga pananim na gulay lalo na iyong mga inaangkat pa mula sa Baguio, Benguet at iba pang probinsiya sa hilagang bahagi ng Luzon.
Kaya naman ganoon na lamang ang panlulumo ng ilan dahil sa biglaang pagtaas ng presyo ng mga itinitindang gulay sa merkado.
Lingid sa kaalaman ng ilan, kasabay ng pananamlay ng bentahan ng gulay ay siya namang paglaki sa supply ng marijuana sa bansa.
Dahil ito rin ang panahon kung kailan inaani ang mga itinatanim na marijuana na karaniwang matatagpuan sa mga kabundukan at matataas na lugar.
Ekslusibong naidokumento ng BITAG ang aktuwal na pagpaplano at maaksiyong paglusob sa mga target na plantasyon sa tago at masukal na bulubunduking lalawigan ng Ilocos Sur, Benguet at La Union.
Natunton ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga marijuana plantation sites mula na rin sa sumbong ng ilang concerned citizens at residente sa mga nabanggit na lalawigan.
Isang buwang maingat na pinag-aralan at inimbes-tigahan ng PDEA ang pinakamalaking plantasyon ng marijuana sa bansa.
Sa pinagsanib na puwersa ng PDEA, Philippine Air
Force, Philippine Coast Guard, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, at BITAG, ikiÂnasa ang operasyong susuyod sa mga pananim na Marijuana base sa naitalang target sites.
Abangan ang karugtong…
- Latest