SA Article 36 ng Family Code, ang isang kasal ay maaÂaring ideklarang walang bisa kung walang sikolohikal na kakayahan ang isang asawa na gampanan ang tungkulin o responsibilidad bilang asawa (psychological incapacity). Pero ang simpleng pagkabigo o kapabayaan lang na gampanan ito ay hindi sapat upang ituring na psychological incapacity tulad ng kaso nina Becky at Jim.
Noong Disyembre 21, 1968, nagpakasal sina Becky at Jim. Engrande ang kanilang kasal. Matapos iyon, naglaho ang ilusyon ni Becky sa sinapit na buhay dahil wala silang ginawa kundi mag-away, magsumbatan at magbangayan. Si Becky lang ang nagtatrabaho at nag-aalaga sa kanilang tatlong anak. Si Jim ay hindi nakatapos ng kolehiyo kaya hindi makakuha ng disenteng trabaho. Kapag naman nakakuha ng trabaho ay hindi ito nagtatagal. Nang sinubukan niyang magnegosyo, lahat ay nalugi. Naging palamunin si Jim at pagkatapos ay nakikipagbarkada. Hindi niya tinutulungan si Becky sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.
Sa kabilang banda, si Becky ay umangat at umasenso sa kompanyang pinapasukan. Nakabili siya ng mga ari-arian na walang tulong mula sa asawang si Jim. Hindi nagtagal, nawalan ng tiwala sa sarili si Jim at nagseselos kapag nakikitang nakikipag-usap sa ibang tao si Becky kahit pa sa mga kamag-anak nito.
Matapos ang 35 taon ng pagsasama ay napuno na si Becky. Kumunsulta siya sa isang psychiatrist at nadiskubre niya na may dependent personality disorder ang asawang si Jim. Ayon sa doktor “psychologically incapacitated†daw ang lalaki na gampanan ang responsibilidad niya bilang asawa. Base sa naging pagsusuri, nagsampa ng petisyon si Becky para mapawalang-bisa ang kanilang kasal ayon na rin sa deklarasyon ng doktor na walang kakayahan si Jim na gampanan ang tungkulin at obligasyon niya bilang asawa na mahalin, respeÂtuhin, manatiling tapat at tu lungan o suportahan ang kanÂyang kabiyak. (Itutuloy)