^

PSN Opinyon

Biazon, tuna at pinya sa Gensan ang nagpapasok ng pera sa gov’t

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ANG sub-port ng Dadiangas dyan sa General Santos City ang nakakuha ng P512 million revenue collection target lagpas ito sa revenue assigned collection target ng Bureau of Customs na P496.3 million kaya naman habang nasa pangatlong taon pa lamang si P. Noy sa trono niya sa Malacanang ay nagbalik tiwala ang mga mamumuhunan sa aduana dahil na rin sa pagsusumikap ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na gibain ang mga economic saboteur sa Philppines my Philippines.

Napa-sobrahan ng P16 million ang assigned target revenue collection ni BOC Sub-Port ng Dadiangas, General Santos City Pendatun Alim dahil na rin sa katatagan ng tuna at pineapple industry sa nasabing place.

Ipinaliwanag ni Collector Martiniano Bangcoy ng BOC-General Santos City na ang nasabing sub-port ni Alim ang may pinakamalaking koleksyon under his jurisdiction.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dahilan kung bakit sumigla ang tuna at pinya industries sa nasabing lugar ay dahil nagbalik loob este mali tiwala pala ang mga mamumuhunan sa ilalim ng admi­nistrasyon ni Biazon.

Natutuwa si Ruffy dahil sa tuna at pinya industries na nagpapasok ng billion of pesos sa Philippines my Philippines sangkaterbang trabaho pa ang naibibigay sa madlang people doon.

Ang jueteng operation sa Baguio at montehan sa La Trinidad

HANGGANG ngayon ay patulog-tulog sa pansitan ang kapulisan sa Baguio at La Trinidad dahil walang aksyon ginagawa ang mga ito sa jueteng operation ni Ka Luding at montehan, saklaan at pula’t - puti ni alyas Karate Kid.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagte-tengang kawali ang pulisya sa Baguio at La Trinidad dahil may mga weekly payola daw silang nakukuha galing kina Ka Luding at alyas Karate Kid.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pati ang grupo daw ng PNP - CIDG ay hindi gumagalaw sa mga butas ng jueteng ni Ka Luding at pasugal ni Karate Kid dahil may malaking salapi daw na padulas para sa kanila para hindi sila tirahin o salakayin?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinababayaan lamang daw ito ng local government sa nasabing mga lugar dahil malaki rin daw ang parating nina Ka Luding at Karate Kid sa mga bugok dyan.

Siguro dapat na rin ito patiktikan kay Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares dahil wala itong ibinabayad na buwis sa kanila porke illegal ang operasyon nina Ka Luding at alyas Karate Kid at hindi birong salapi ang pumapasok sa kanila bilang kita kasi kalimitan ng mga manunugal  ay madalas talo at umuuwing luhaan.

‘Siguro panahon na para magaya sila kay Al Capone’ sabi ng kuwagong talunan.

Abangan.

 

AL CAPONE

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE COMMISSIONER KIM HENARES

DAHIL

GENERAL SANTOS CITY

KA LUDING

KARATE KID

LA TRINIDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with