CONGRATS sa mga Brethren na bagong opisyal ng Laong-Laan Lodge 185 ngayon Masonic year 2013-2014 ng magdaos sila ng masaya eleksyon last month.
Ang mga nanalong opisyal ng Laong-Laan Lodge 185 ay sina Bro. Fiscal Rey Camilo Dumlao, bilang Worshipful Master, Bro. Fiscal Blas Antonio Tuliao, Senior Warden, Bro. Adonis Baluyot, Junior Warden, Bro. Ruel Leverne Labrado, Treasurer, Bro. John Gary Baybay, Secretary, Bro. Ricardo Sy, Past Master, Auditor, Bro. Walfredo Sumilang, Marshall, Bro. James Renier Lino,Chaplain , Bro. Ernie Ligon, Almoner, Bro. Ronan Rex Ramos, Lecturer, Bro. Junfel Zamora, Orator, Bro. Butch Quejada, Historian, Bro. Jeffrey Joseph Dublado, Organist, Bro. Rey Raagas, Senior Deacon, Bro. Mark Albren Santos, Junior Deacon, Bro. Gualberto Angeles, Senior Steward, Bro. Jose Maria Mendoza, Junior Steward at WB Atty. Ramon Gutierrez, Past Master of the Lodge, Tyler.
Pinasasabi ni Bro. Rey Dumlao, incoming Worshipful Master ng Laong-Laan Lodge 185 na huwag na hindi pupunta ang mga Brethren sa kanyang installation.
Abangan.
DTEM palpak sa car plates
NAKAKATAKOT kung tutuusin dahil hindi biro ang pagdami ng mga bagong sasakyan sa Philippines my Philippines na hanggang ngayon ay wala pang bagong plakang ibinibigay ang Land Trasporation Office dahil sa kapalpakan ng nanalong bidder dito na kinontrata ng DOTC.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon pang Mayo 2012 o halos 8 months ng walang maibigay na plaka ang LTO sa mga nakabili ng mga brandnew vehicle sa Philippines my Philippines.
Siguro dahil sa kapalpakan ng kumpanyang pinagkatiwalaan ng gobierno dahil ito ang nanalo sa pasubasta ng DOTC - LTO dapat na siguro itong kanselahin na lamang ni DOTC Secretary Joseph Abaya at pagkatapos ay pagmultahin sa kapalpakan ginawa.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi nakapasa sa LTO requirements ang kumpanya at maging sa DOST requirement ay lagapak din ito.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, problema anila sa paggawa ng plaka para sa mga brandnew vehicle ay hindi nag qualify o sub standard ang piyesa na inimport sa US of A ng DTEM contractor na gagamitin sa paggawa ng car plates kaya nagkaroon ng problema tungkol dito.
Ang DTEM ang nanalong contractor sa paggawa ng car plates sa LTO.
Sa kada taon kase may 2.3 milyong sasakyan ang nairerehistro sa LTO pero sa kasawiang palad, ilan sa mga sasakyan na nairehistro sa LTO mula noong May 2012 ay hindi na nabigyan ng plaka bukod sa mga sticker ng mga sasakyan.
Kaya naman natatakot ang madlang public na baka gamitin ng mga kriminal ang mga sasakyan walang mga plaka partikular ang mga bagong motorsiklo na kalimitang gamit ng riding in tandem na utak ng ibat ibang kriminalidad sa Philippines my Philippines tulad ng pagpatak, panghoholdap echetera.
‘Dapat aksyunan sa lalong madaling panahon ang problema ito hindi na siguro dapat pang patagalin kasi habang tumatagal ay lalong lumalala ang problema regarding sa mga brandnew vehicle plate’, sabi ng kuwago SPO - 10 sa Crame.
Abangan.