TUWING unang Linggo ng Enero ay ating ipinagdiriwang ang Epipanya (Dakilang Kapistahan ng pagpapakita ng Panginoon). Bagong Taon 2013! Muli tayong bumangon na may buong pag-asa. Ayon kay Isaias tayo ay “magliwanag ng tulad ng arawâ€. Ngayon din ang bagong pangako sa Panginoon sapagkat: “Poon, maglilingkod sa’yo tanang bansa nitong mundoâ€.
Ngayon din ang pagbisita ng Tatlong Haring Mago. Sila ang mga bumabasa sa takbo ng kapanahunan lalo na ang pagsinag ng mga bituin. Sa kanilang pag-aaral sa takbo ng mga bituin ay doon nila napatunayan na ang kanilang pananaw o hula ay pawang katotohanan. Buhay silang mga saksi sa kanilang pagbisita sa sanggol na si Hesus. Inialay ang kanilang mga regalong ginto, kamanyang at mira.
Ang ginto ay sagisag ng maringal na pagka-Diyos sa ipinanganak na Sanggol. Ang kamanyang ay simbolo ng pagka-pari ni Hesus sa Bagong Tipan at ang mira naman ay kahulugan ng isang propeta na magpapalaganap ng Bagong Tipan. Ang kanilang pagbisita sa Sanggol ay pagbibigay puri at pagsamba sa Anak ng Diyos na buhay. Ito ang katuparan ng kanilang nabuong plano sa kanilang buhay na sa kabila ng mga pagsubok at panganib ay kanilang natupad. Pagkatapos nito, bigla silang nawala.
Alam nilang anak ng Diyos ang kanilang binisita. Wala silang hinangad na kapalit sa kanilang mga regalo. Ang mahalaga ay sinamba nila ang Diyos, napuri nila ang pari at nabigyang dangal ang isang propeta. Tularan natin ang mga Mago na ang pawang paghahananap natin kay Hesus sa ating kapwa ang misyon. Muli nating hanapin ang ating kapwa at tahimik nating ibigay ang ating mga regalo na pawang pagmamahal, pag-unawa at pagtulong sa kanilang pangangailangan. Just give and be happy!
Isaias 60:1-6; Salmo 71; Efeso 3:2-3a, 5-6 at Mt 2:1-12
* * *
Happy 33rd wedding anniversary kina Willy at Nene Remo.