Pahabain ang buhay tips (Part 4)

MAY mga karagdagang payo ako para humaba ang iyong buhay. Ito po ang pinaka-epektibong paraan ayon sa mga doktor:

• Uminom ng Aspirin – Ang aspirin ay isang pambihirang gamot na nadiskubre noong 1899. Kailangan ang aspirin sa mga pasyenteng may diabetes, may sakit sa puso, mataas ang kolesterol at sa mga na-istrok. At bukod sa mabisa ito, piso lang ang halaga nito. Ang tamang dosis ng aspirin ay 80-100 mg na tableta, isang beses sa maghapon at inumin ito ng busog ang tiyan. Ang dapat lang ingatan sa aspirin ay ang pagkakaroon ng ulcer. Kung ika’y may pananakit ng tiyan, magtanong muna sa doktor bago uminom ng aspirin.

• Uminom ng gamot sa altapresyon – Kung ang presyon mo ay lampas sa 140 over 90, ang ibig sabihin ay may altapresyon ka. Kung lampas sa 160 over 100 ang iyong blood pressure, sobra na pong taas nito at kailangan mo ng gamot. Baka bigla ka na lang ma-istrok. Alam n’yo ba na kapag napababa natin ang iyong blood pressure sa normal, ay hahaba ang iyong buhay ng 9 na taon. Totoo po iyan. Kaya paki-usap ko lang po, inumin ang iyong gamot sa altapresyon araw-araw. Kadalasan ay panghabang-buhay ang mga gamot na ito.

• Uminom ng gamot sa diabetes – Kung ika’y may diabetes naman, kailangan mong mapababa ang iyong fasting blood sugar sa 100 mg/dl o mas mababa pa. Nakakatakot ang komplikasyon ng diabetes at puwede itong umabot sa pagkabulag, pagkaputol ng paa at pagkamatay. Uminom ng gamot para sa diabetes. Kumonsulta sa doktor.

• Alamin ang sakit – Magbasa at aralin tungkol sa sakit na iyong nararamdaman. Huwag balewalain ito. Kung mas maaga kang magpapa-check-up, mas maaga  nating malulunasan ang iyong problema.

• Itigil ang sigarilyo – Ang sigarilyo ang pinakamasamang bis­yo sa lahat. Kanser at maagang pagkama-tay ang magiging resulta. May 70,000 artikulo na ang nagpapatunay na masama ang paninigarilyo. At alam niyo ba na masama din ang usok na nala-langhap ng mga hindi naninigarilyo (passive smoking). Tinatayang 6 na taon ang mababawas sa iyong buhay kung ika’y patuloy na maninigarilyo. At sa mga nakalalanghap ng usok, 2 taon naman ang matatanggal sa bu­hay nila. Kawawa naman ang mga mahal natin sa buhay. Lungkot at sakit ng katawan lang ang aabu­tin mo diyan. Itigil na po ang bisyong ito at siguradong hahaba ang iyong buhay.

Para sa karagda­gang payo, magbasa ng librong “How To Live Longer” at “Stay Younger, Live Heal­thier” na makikita sa National Bookstore out­ lets.

Good luck!

Show comments