Korean noodles nakakatakot?
PUEDE daw magka-cancer ang madlang people na matakaw tsumibog ng ilang Korean instant noodles na pinaniniwalaan na may ‘benzopyrene’ ng Food and Drug Administration ng Republic of the Philippines my Philippines.
Naku patay!
Sayang masarap at malinamnam pa naman at bukod sa mura pa ang halaga ng ilang ipinatatapong Korean instant noodles products ng FDA.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matapos mabusisi at mabuko na may problema ang ilang Korean instant noodles product ang mismong importer nito ang kumilos at siya na daw ang nagpa-total recall ng kanyang mga products na ipinasok sa Philippines my Philippines.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, six as in anim na Korean instant noodles products ang inalis sa mga grocery dahil nakitaan daw ito ng ‘benzopyrene.’
Bida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang benzopyrene ay isang carcinogen na sinasabing puedeng magpulot este mali magdulot pala sa madlang people na kumakain nito ng sakit na ‘cancer.’
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa balitang ito ay hindi magpapakaang-kaang ang mga taga -FDA dahil sila mismo ang magmomonitor sa mga produktong nagkalat sa mga pamilihan partikular sa mga Korean supermarket.
Ang mga product na may mabigat na case problem at ini-recall ay ang Nongshim Neoguri spicy, Nongshim Neoguri mild, Nongshim Neoguri multi, Nongshim Big Bowl Noodle Shrimp, Nongshim Saengsaeng Udon Bowl Noodle at Nongship Saengsaeng Udon.
Kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang boluntaryong recall ay pagbubulgar ng grupong EcoWaste Coalition na ang mga Korean noodles ay mayroon daw na cancer-causing substances at inalis na rin sa Korea pero up to now ay ipinagbibili pa rin sa mga Korean stores sa Philippines my Philippines.
‘Dahil kaya sa competition kaya pinaputok ang ganitong balita ?’ Tanong ng kuwagong magpapansit.
‘Buti nga may nagsabi dahil kung wala paano ang madlang Pinoy na matakaw sa Korean noodles’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Abangan.
* * *
May colorum at prangkisa sa Immigration
Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung basket este mali bakit pala dalawang klase ang unipormeng isinusuot ng mga immigration employee na nakikita sa NAIA terminals.
Sabi nga, kulay itim at kulay puti!
‘Ano ang pagkaka-iba?’
Sagot - regular employee o yong tinatawag na may prangkisa sa immigration sila kapag ‘black’ ang suot ng isang immigration sa airport.
Sa madaling salita may regular na sueldo ito sa government of the Philippines my Philippines at kapag puti naman suot na uniform sinasabing colorum o walang item ang mga ito sa bureau.
Sabi nga, hao shiao pa? Hehehe!
‘Paano ang sahod nila?’ tanong ng kuwagong padri- no ni Haring David.
‘Saan sila kumukuha ng salapi para ipasahod sa mga walang item?’
‘Paano kung may bulilyaso sila, sino ang mananagot dahil hindi pa naman sila under sa rules and regulations na ipinaiiral ng Civil Service Commission?’
‘Kamote, iyan ang hindi natin alam?’ Sabi ng kuwa-gong si Nelia haliparot sa kabaret.
‘Kaya siguro naghahanda ng mga datos si Laguna Rep. Timmy Chipeco sa kanyang gagawin ‘privilege speech.’
‘Kapag ginisa si BI Commissioner Ric David masagot niya kaya ang mga tanong muli ni Chipeco lalo na ang tungkol sa pagtakas at kung nasaan na si Korean fugitive Kim Tae Dong ?’ Tanong ng kuwago binukulan.
‘May kumita kaya sa BI sa ginawang pagpuga ni Kim Tae Dong ?’
Abangan.
- Latest