^

PSN Opinyon

Kulelat sa kalidad ng buhay

K KALANG? - Korina Sanchez -

Sa pinaka-bagong ulat ng Philippine Human Development Report, pitong lalawigan sa Mindanao ang may pinaka masamang kalidad ng buhay sa bansa. Mga panukat na ginamit sa pagsusuri ay ang haba ng buhay, edukasyon at kalidad ng buhay. Kapansin-pansin din na ang pitong lalawigan na ito ay may mga labanang naga­ganap. At ang lalawigan na nasa kulelat nitong listahan ay ang Sulu.

Hindi ba sa lalawigang ito nabihag ng Abu Sayyaf ang tatlong manggagawa ng ICRC noong Enero? Tatlong boluntaryo na nagbibigay ng kanilang oras, para mapa­ganda at maginhawaan ang buhay ng mga tao sa Sulu? Pero hindi nila matuloy ang kanilang gawain dahil nga binihag. At sa kasalukuyan nga ay may isa pang bihag ang mga bandido. Hindi pa matiyak ang kinalalagyan at kalagayan ni Eugenio Vagni, ang huling bihag ng mga bandido. At siya pa ang may kalagayan, na hirap na hirap na sa sitwasyon niya.

Kaya hindi ko talaga maintindihan itong mga Abu Sayyaf na ito. Tinutulungan na nga ng mga boluntaryo ang kanilang lalawigan, tapos ganyan pa ang isusukli nila! Parang mga aso na kinakagat pa ang mga taong nag­papakain sa kanila. Dahil sa pangyayaring ito, ano na ang mangyayari sa Sulu? Alam kong may mga bolun­taryo pa diyan na nais pang makatulong sa lugar, pero baka mabawasan na ito. Sino ba naman ang gustong pumunta sa isang lugar kung saan nasa panganib ang kalayaan mo, kahit malakas ang hangarin mong makatulong?

Ilang buwan nang bihag si Vagni. At dahil sa mga ibang pangyayari sa bansa, ay halos nalilimutan na ang kanyang paghihirap. Kung wala tayong naririnig sa mga balita, sana naman ay patuloy pa rin ang paghahanap sa kanya ng mga otoridad at sundalo. At kung pagpalain naman si Vagni at makalaya na rin, kailangan tapusin na ang Abu Sayyaf. Kung gusto ng Sulu na umangat ang kalidad ng kanilang buhay, kailangan mawala na muna ang Abu Sayyaf. Malamang sila ang dahilan kung bakit nasa kulelat ang Sulu, pag dating sa kalidad ng buhay. Mas marami ang maitutulong ang mga ahen­ siyang katulad ng ICRC, UNICEF, JICA. Pati mga progra­ma ng gobyerno ay mapapatupad kung wala nang mga teroristang umaaligid sa mga gubat.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ALAM

BUHAY

DAHIL

ENERO

EUGENIO VAGNI

ILANG

PHILIPPINE HUMAN DEVELOPMENT REPORT

VAGNI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with