^

PSN Opinyon

Bagsak ng mga ekonomiya sa mundo: Di na nga ba mapipigilan?

K K LANG? - Korina Sanchez -

USAPIN ng lahat ngayon ang nangyayaring recession sa United States. Ito ang paghina ng ekonomiya ng isang bansa, na may malawakang epekto sa negosyo, panga­ngalakal at trabaho. Sa madaling salita, tag-hirap sa US ngayon. Ang masama, dahil malawakan ang relasyon ng maraming bansa sa US pagdating sa negosyo at eko­nomiya, apektado na rin ang halos buong mundo. At IMF na mismo ang nagbabala na tatamaan nang matindi ang Timog-Silangang Asya. Kasama ang Pili­pinas dito.  Kasabihan nga, kapag bumahin lang ang US, trang­kaso na sa ibang bahagi ng mundo.  Kasama ang Pili­pi­nas dito.

Malubha na ang epekto sa mga OFW. Mula P54 sa bawat dolyar na kanilang kitain sa abroad, ngayon ay nasa  P41.50 na lang  — mahigit P10 sa bawat dolyar ang binaba ng halaga ng tinatrabaho nila.  Kung $1,000/buwan ang kinikita nila, ngayon ay nabawasan na ito ng P10,000 ang palit sa piso pagpadala sa Pilipinas.  Ang laking bagay dahil maaaring mabawasan sila ng suweldo, kung hindi man sila tuluyang matanggal sa trabaho. Pati ang malakas na call center industry ay maaapektuhan sa kinikita nito mula sa mga kompanyang kumukontrata sa kanila mula sa abroad. Kung hindi gumagastos ang mga Amerikano dahil nga sa hina ng kanilang ekonomiya, mawawala ang lahat ng mga telemarketers na iyan. Maliligtas sana tayo sa pagbagal ng ekonomiya dahil marami rin naman tayong mga negosyo sa China, na malakas din ang ekonomiya. Pero may nagbabala rin na malaki ang relasyong pangangalakal ang China at US  kaya baka mahawa rin sa paghina ng ekonomiya ang China. Puro masama ang hinaharap natin. Buong mundo ay apektado ng US. Ano ang ginagawa ng pamahalaang Arroyo tungkol dito?

Kataka-taka na ayon pa rin kay President Arroyo, malakas ang ating ekonomiya ngayon. Binibida niya palagi ang patuloy na paglakas ng piso kontra dolyar, pati na rin ang pagtaas ng bahagya ng stock market sa halip ng balita tungkol sa umiiral na recession sa US.  Paanong masaya pa rin siya gayong pera nga ng OFW ang sumusuporta nga sa buong bansa at ngayon ay bawas na ang ha­laga nito?  At ang stock market ay, excuse me, nanghihina na nga di ba?  Pito, walong araw diretso talunan ang mga manlalaro dito. Ano naman ang ganda ng ekonomiya kung mawawalan ng trabaho ang marami sa call center industry? Ano ang ganda ng ekonomiya kung lalo pang maba­bawasan ang padala ng OFWs sa kanilang mga kapa­milya, lalo na’t malakas ang piso? Sigurado ako na mas gugus­ tuhin na nila na bumalik ang piso sa P50 na palit sa dolyar.

May mga matagal nang nagbababala na itong krisis na ito ay malakihan at malawakan. Ito yung panahon ding panay bida ng gobyerno na “ang galing-galing ng piso, ang lakas!”.  Yun pala, dolyar lang talaga ang pahina nang pahina at malaki ang masamang implikasyon sa Pilipinas yun. Sana kung sa pambobola sa atin ng gobyerno ni GMA ay sinabayan nila nang kahit patagong pagplano at kilos para hindi gaanong apektado ang Pilipino sa nangyayari sa US.  Pero tila walang konkretong plano si GMA.  Ano ang naghihintay na kapalaran sa Pilipinas kapag lumala pa ang sitwasyon sa ekonomiya ng US? 

(Abangan ang Part 2)

ANO

COUNTRY

PLACE

REGION

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with