Kuya Kim, ipapalit sa Sarap...
May papalit nang show sa nawalang Sarap ‘Di Ba? at si Kim Atienza ang host. Ang nabasa namin, Alam Mo Na? ang title na parang title ng Dapat Alam Mo na isa sa mga host si Kuya Kim, kaya lang, natsugi na ito.
This November na raw ang pilot ng bagong show, every Saturday morning at mauuna ito sa airing ng TiktoClock na kasama rin siya. May nag-comment tuloy na ang dami niyang shows dahil daw ito sa he delivers.
Pinahulaan pa lang ng GMA Public Affairs kung sino ang makakasama tuwing Sabado ng umaga, nahulaan na agad.
Barbie, ayaw tigilan kay Jak!
BarDa fan siguro nina Barbie Forteza at David Licauco ang nagalit kay Barbie dahil ang boyfriend na si Jak Roberto ang kasama sa premiere night ng Hello, Love, Again movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Ang anghang kasi ng comment ng fan patungkol kay Barbie.
Sabi nito, hindi maabot ni Barbie ang estado ng pagka-aktres ni Kathryn dahil lagi siyang nakadikit kay Jak. Kahit daw gaano kahusay na aktres ito, kung si Jak ang priority nito, walang mangyayari sa kanya at sa career niya.
Marami rin daw itong limitasyon dahil kay Jak. Hindi siya nagpapahalik sa movie at sa TV kahit kailangan. Binigay nitong halimbawa ang eksena sa Pulang Araw na mas maganda raw kung sa lips o kaya’y sa cheek hinalikan ni David si Barbie. Dahil sa limitasyon nito, ang buhok niya ang hinalikan ni David. Nakasira raw ‘yun sa eksena.
Mabuti na lang at sanay na si Barbie sa mga ganitong comment, hindi na lang niya sineseryoso.
Chavit, inikot ang kusina!
Pinasalamatan ni Chavit Singson si Quezon City 5th district Councilor Aiko Melendez sa pagdalo ng konsehala sa food distribution and sharing event ng Manong Chavit Singson’s Mobile Kitchen in Action.
Ang community-driven initiative na ito ni former governor Chavit Singson ay naglalayon na magbigay ng kailangang nourishment at suporta sa local families.
Sabi ni Aiko: “I am grateful that Manong Chavit Singson spearheaded this Mobile Kitchen feeding program. Masaya ang lahat. Literal na busog lusog ang mga mababait at masisipag na taga-Barangay San Bartolome, dito sa Quezon City.”
All smiles si Chavit sa buong panahon ng food distribution event. Game rin itong nakipag-usap sa mga tao ng chosen barangay.
- Latest