Nurse ng BFP inireklamo sa PRC, lisensiya pinababawi

MANILA, Philippines — Isang nurse ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang inireklamo sa Professional Regulation Commission (PRC) Board of Nursing bunsod ng umano’y ‘illicit affair’ nito sa isang opisyal ng Philippine Marines na mister ng complainant.

Batay sa complaint affidavit ni Faiza Mutlah Utuali si “Senior Fire Officer 2 RJ” ay lumabag sa Board of Nursing Resolution 220, Series of 2004, ang Code of Ethics for Registered Nurses; Republic Act 9173, ang Philippine Nursing Act of 2002, na nag-uutos ng etikal na pag-uugali ng mga practitioner at Board Resolution 425, Oktubre 22, 2003, na nagtataguyod ng mga pamantayan ng nursing practice sa Pilipinas.

Nabatid na ang kaso ay isinampa noong Dis­yembre 23, 2024 ni Utuali na nag-aakusa “Senior Fire Officer 2 RJ” ng unprofessional at pagkakaroon ng illicit affair sa kanyng mister isang dating opisyal ng Marine na natanggal sa serbisyo.

Nanawagan din si Utuali sa PRC na bawiin ang lisensya sa pag-nurse ni “Senior Fire Officer 2 RJ” dahil ang maling pakikipagrelasyon nito nakakasira sa dignidad ng propesyon ng pag-nurse at nagdudulot ng kawalan ng tiwala ng publiko.

Ang kasong ito ay dagdag lamang sa mga legal na isyung kinakaharap ng nurse. Kamakailan lamang ay inatasan ng korte sa Pasay City ang kanyang pag-aresto kaugnay ng isang kaso ng iligal na recruitment na kinasasangkutan ng mga aplikante sa BFP.

Show comments