DOH, nakapagtala na ng 418 aksidente sa kalsada ngayong holiday season

Light traffic was observed along EDSA Guadalupe in Makati on Wednesday during the Christmas festivities.
Ryan Baldemor / The Philippine STAR

MANILA, Philippines —  Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 418 road crash incidents sa bansa ngayong holiday season, matapos na madagdagan pa ng 68 bagong kaso.

Sa datos ng DOH,  naitala simula Disyembre 22 lamang hanggang kahapon, alas-6 ng umaga.

Mas mataas ito ng 38% kumpara sa bilang na naitala sa kahalintulad na petsa noong 2023.

Ayon sa DOH, sa kabuuang bilang ng road accidents, 291 ang kinasangkutan ng mga motorsiklo; 70 naman ang mga kaso, kung saan ang driver ay nasa ilalim ng impluwensiya ng alcohol at 356 ang hindi gumamit ng safety accessories nang maganap ang aksidente.

Kaugnay nito, muli namang pinaalalahanan ng DOH ang publiko na palagiang magsuot ng helmet at seatbelt kung sasakay ng motorsiklo o anumang uri ng behikulo.

Kung nakainom naman ng alak, dapat na iwasan ang pagmamaneho upang makaiwas sa aksidente.

Dagdag pa ng DOH, dapat sundin ng mga drivers ang speed limits at road signs, at tiyaking may sapat na tulog bago magmaneho.

Sakali namang magkaroon ng emergency sa kalsada, maaari anilang tumawag sa 911 emergency hotline o 1555 DOH emergency hotline.

Show comments