QCPD ipinagdiwang ika-85 taong pagseserbisyo sa Qcitizen

The Quezon City Hall.
Facebook / Quezon City Local Government

MANILA, Philippines — Ipinagdiwang ng Quezon City Police District (QCPD) ang kanilang ika-85 taong anibersaryo na may  temang “Tayo ang QCPD: May Dangal, Disiplina at Kasanayan, Kaagapay ng Pamayanan Tungo sa Ligtas at Maunlad na Bukas” sa M.I.C.E Center, Quezon City Hall, Quezon City.

Ayon kay QCPD Director PCol. Melecio Buslig Jr, patuloy pa rin nilang pangangalagaan ang kapakanan ng QCi­tizen sa pamamamagitan ng  mas pinaigting na mga kampanya at proyekto.

Nagpasalamat at  pinagkalooban ng QCPD  ng Plaque of Appreciation si   Mayor Joy Belmonte dahil sa patuloy na suporta nito sa mga  proyekto ng QCPD at sa mismong mga pulis upang  magampanan ng maayos  ang kanilang tungkulin.

“Ang sabi nga: ‘With great power comes great responsibility.’ Kaya saktong sakto ang marching orders na binibigyang-diin ng inyong 85th Founding Anniversary: Dangal. Disiplina. Kasanayan. Mabigat na responsibilidad ang dala-dala ninyo, dahil nasa kamay ninyo ang pagsiguro na payapa at maayos ang araw-araw na buhay ng ating mga kababayan.” ani Belmonte.

Dagdag pa ng  alkalde, nasa tamang  direksiyon ang pamumuno ni Buslig kung saan oras- oras itong nagbibigay ng  impormasyon at update sa mga nangyayari sa lungsod.

Show comments