^

Metro

Higit 2.4 milyon pasahero dadagsa sa PITX sa Undas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Higit 2.4 milyon pasahero dadagsa sa PITX sa Undas
Pinakamaraming pasahero ang inaasahan sa mga petsang Oktubre 30 at 31 sa aabot sa humigit-kumulang sa 159,000 hanggang 175,000 o katumbas ng pagtaas ng mga biyahero sa 20%.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa inaasahang higit sa 2.4 milyong pasahero na dadagsa sa terminal simula sa Oktubre 21 hanggang Nobyembre 5, kaugnay sa paggunita sa All Saints Day at All Souls Day.

Pinakamaraming pasahero ang inaasahan sa mga petsang Oktubre 30 at 31 sa aabot sa humigit-kumulang sa 159,000 hanggang 175,000 o katumbas ng pagtaas ng mga biyahero sa 20%.

Nakikipag-ugnayan na ang PITX sa Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Philippine National Police (PNP) para sa tiyak na maayos at ligtas na pagbibiyahe.

Kabilang sa mga hakbang ang pag-isyu ng LTFRB ng mga special permit para sa mga bus, inspeksyon ng LTO sa mga PUVs para sa kaligtasan ng mga ito, at pagde-deploy ng MMDA ng mga ambulansya at enforcer para sa trapiko.

Pinayuhan naman ang mga pasahero na magtungo ng maaga sa iskedyul na biyahe upang hindi maabala.

PITX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with