Rider nasapol ng ligaw na bala, tepok

MANILA, Philippines — Isang binata ang patay matapos masapol ng ligaw na bala habang sakay ng kanyang motorsiklo kahapon ng mada­ling araw sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa MCU Hospital ang biktimang si Christian Jay del Pilar, residente ng Ilalim ng Tulay, Brgy. Balon Bato, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidene  dakong ala-1:30  ng madaling araw sa Ilalim ng Tulay ng nabanggit na barangay.

Nabatid na minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo  kasama ang iba pang kaibigan na sakay din ng kanilang mga motor nang makarinig ng putok ng  baril.

Ayon sa kaibigan ng biktima na si Jen Mark Sanchez, nagulat na lamang sila nang magpagewang-gewang ito at bumangga sa motorsiklo  ng isa pa nilang kaibigan hanggang sa bumagsak. Dito na nila nakita na may tama si Christian ng bala ng baril sa katawan. Itinakbo pa nila sa ospital ang biktima su­balit namatay rin.

Show comments