MANILA, Philippines — Wala nang kaso ng MPOX (monkey pox) sa Quezon City sa kasalukuyan.
Ito ang sinabi ni Ms. Sarah Conclara ng MPOX Surveillance Unit ng Quezon City Health Department kaugnay ng MPOx case sa lungsod.
Anya ang apat na pasyente ng Quezon City ay pawang gumaling na makaraan ang ilang buwang gamutan sa tulong ng iba’t ibang interventions na ginawa ng lokal na pamahalaan upang mapigilan ang paglaganap ng naturang virus.
“No new updates sa MPOX situation in Quezon City. All 4 cases recovered already,” sabi ni Conclara.
Samantala, sinabi ni Atty. Albert Lazo ng QC Business Permit and Licensing Department na lifted na ang temporary closure order na naigawad sa Infinity Spa Center sa E. Rodriguez, ang spa kung saan nagpamasahe ang isang lalaki na nakumpirmang may MPOX virus.
Ang isa pang establisimiyento na naipasara ng QC LGU na F Club ay sarado pa rin makaraangmagawaran ng cease and desist order dahil sa kabiguang mag-comply para sa sanitary permit nito.