^

Metro

Higit P.3 milyong halaga ng shabu nasabat ng QCPD-DDEU buy-bust ops

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Higit P.3 milyong halaga ng shabu nasabat ng QCPD-DDEU buy-bust ops
Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer ng halagang P14,000 halaga ng shabu mula sa isa sa mga suspek.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P.3-M halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Quezon City Police District-District Drug Enforcement Unit (QCPD-DDEU) na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibiduwal na sangkot sa illegal drug activities sa Quezon City.

Kinilala ni DDEU chief PMaj. Wennie Ann Cale ang mga suspek na sina Jet Yabut Sarda, 27 at Agnes Marie Ramirez, 34 kapwa residente ng Brgy. Baesa, Quezon City.

Batay sa report isinagawa ng nitong Oktubre 11 bandang alas-12 ng tanghali sa 14 B Mang David St., Pascual Subdivision, Brgy. Baesa, Quezon City.

Ayon kay Cale, may natanggap silang impormasyon na may transaksisyon ang mga suspek.

Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer ng halagang P14,000 halaga ng shabu mula sa isa sa mga suspek.

Nang magpositibo ang tip agad na dinamba ang mga suspek at nakuha ang nasa 58 gramo ng shabu na may halagang P394,000.00, cellular phone, coin purse, at buy-bust money.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa  R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa QC Prosecutor’s Office.

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with