^

Metro

BI: Alice Guo, posibleng gumamit ng private airstrip sa pagtakas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
BI: Alice Guo, posibleng gumamit ng private airstrip sa pagtakas
Former Bamban, Tarlac Mayor Alice Leal Guo or Guo Hua Ping appears before Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality on Sept. 9, 2024. (Senate Public Relations and Information Bureau)
Senate Public Relations and Information Bureau / Release

MANILA, Philippines — Posible umanong gumamit ng private airstrip si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang tumakas siya sa Pilipinas noong Hulyo.

Matatandaang matapos na ipaaresto ng Senado, lumabas ng Pilipinas si Guo, kasama ang kapatid na si Shiela Guo at Cassandra Ong at nagtungo ng Malaysia ngunit kalaunan ay naaresto rin at ibinalik sa bansa.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval, batay sa kanilang pag-analisa, tila hindi sa major international airport o seaport dumaan si Guo.

“We believe that she might have used a private airstrip, upang iligal po na makaalis ng bansa without the knowledge of authorities,” ani Sandoval sa isang panayam sa programa sa telebisyon.

Taliwas naman ito sa naunang pahayag ni Guo na lumabas siya ng bansa, sa pamamagitan ng mga bangka.

Ani Sandoval, ang mga private airstrips ay karaniwang pinanga­ngasiwaan ng ground handler. Ang mga ito aniya ang nag-iimporma at humihingi ng clearance mula sa concerned go­vernment agencies.

Paniniguro ni Sandoval, mahaharap sa kaukulang kaso ang lahat ng mapapatunayang tumulong kay Guo upang makalabas ng bansa.

ALICE GUO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with