^

Metro

Biyuda utas sa umbag ng pamangkin!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 60-anyos na biyuda matapos na umbagin ng kanyang pamang­kin na isang call cen­ter agent kamakalawa ng umaga sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa  East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Flordelisa Taotao Resolis, residente ng NCR DENR Compound, North Aveune, Brgy. Vasra, Quezon City.

Nasa kustodiya na ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit ang suspek na si John Vincent Resolis, 34, isang call center agent at residente rin ng nabanggit na address.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang krimen sa loob ng bahay ng biktima sa North Avenue, Barangay Vasra, Quezon City bandang alas-11 ng umaga nitong Biyernes.

Nauna rito, nakatanggap ng report ang barangay hinggil sa komosyon kaya agad na nirespondehan ng mga miyembro ng BSPO na sina Abraham Chan Castillo Jr. at Reynaldo Madriaga Moises, Jr. Nadatnan nila ang suspek na umiiyak na sa harap ng nakahandusay na tiya. Agad naman nilang isinugod sa EAMC ang biktima habang inaresto ang suspek.

Napag-alaman na ginawang punching bag ng suspek ang biktima nang kanyang iumbag at pinagsusuntok sa mukha at ulo sa ‘di pa mabatid na dahilan.

Sa resulta ng cursory examination, nagtamo ng hematoma ang biktima na kanyang ikinamatay

Nahaharap sa kasong murder ang naturang suspek.

vuukle comment

EAMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with